After 5 yrs… DAWN, PAKAKASALAN NA NG BF NA ABOGADO

ni Beth Gelena @Bulgary | October 19, 2026

Photo: YT ABS-CBN Entertainment
Engaged na ang dancer-actress na si Dawn Chang kay National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Ralph Calinisan matapos ang halos limang taon nilang relasyon.
Hindi napigilan ni Dawn ang mapaiyak sa sobrang saya nang lumuhod ang BF at alukin siyang magpakasal sa harap ng mga manonood ng Kapamilya: Deal or No Deal (KDOND) noong Oktubre 17.
Matagal na palang pinaghandaan ni Ralph ang proposal. Noong Disyembre 2025, palihim siyang bumiyahe patungong Australia upang hingin ang basbas ng mga magulang at kapatid ni Dawn para sa kanilang planong pagpapakasal.
Pagsapit ng Pebrero 2026, lumutang ang mga ulat na posibleng ikasal ang dalawa sa Disyembre ng nasabing taon.
Unang nagkaroon ng ugnayan sina Dawn at Ralph sa pamamagitan ng trabaho. Noong unang bahagi ng 2022, nagsilbing legal counsel ni Dawn ang abogado sa gitna ng alitan ng aktres at beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin.
Kalaunan, nauwi sa pag-iibigan ang kanilang ugnayan. Noong Oktubre 6, 2022, opisyal nilang ipinabatid sa publiko ang kanilang relasyon. Nangako pa noon si Dawn na mananatili sa tabi ni Ralph ‘in any battle’.
Dahil abala sa serbisyo-publiko ang abogado, ibinahagi ni Dawn noon na siya mismo ang bumibiyahe kung saan nakatalaga si Ralph upang magkaroon sila ng sapat na oras na magkasama.
Sa kabila ng magkaibang larangan ng kanilang mga propesyon, napanatili ng dalawa ang kanilang relasyon hanggang sa dumating ang pinakahihintay nilang engagement.
Mula sa pagiging housemate sa Pinoy Big Brother (PBB) hanggang sa pagkakaroon ng sariling pangalan sa showbiz, soon ay magiging misis na si Dawn Chang.
First idol daw niya…
PAULEEN KAY REGINE: NAKAKAMANGHA KA!
Nagbigay-pugay si Pauleen Luna sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez bago panoorin ang FINALE concert nito noong Oktubre 17.
Sa kanyang Instagram (IG) post, sey ni Pauleen, si Regine ang kanyang ‘first idol’ at nagbahagi ng throwback photo nila ng singer.
Pagbabahagi ng celebrity mom, lumaki siyang paulit-ulit na pinakikinggan ang mga album at live concert recordings ni Regine, na naging inspirasyon niya para mahalin ang musika.
Excited din si Pauleen na muling mapakinggan nang live ang mga awiting naging bahagi na ng kanyang buhay sa loob ng maraming taon.
“A tribute to my very first idol… Ate Reg or Asia’s Songbird, @reginevalcasid ! (heart & microphone emoji),” simula niya.
Aniya pa, “You inspired me at such a young age. I remember how we had CDs (Compact Discs) of your albums and even your live concerts, and we would play them over and over again in the car. Walang tanggalan!”
Pinuri rin ni Pauleen ang dedikasyon at kabaitan ni Regine, gayundin ang pagiging humble nito sa kabila ng pambihirang tagumpay.
Aniya, “Thank you for sharing your incredible gift with us and for showing us that true hard work really does pay off. Thank you, too, for the kindness you’ve shown me and for reminding me that a superstar can be larger than life on stage and still remain so humble and grounded.
“I will never forget the times we’d be chitchatting about the most random things, and then, the next moment, you’d be up on stage being your incredible self. Nakakamangha ka talaga! (teary-eyed & sparks emoji).
“I cannot wait to see your concert tomorrow! To feel all the feels, relive the memories, and sing my heart out to the songs that have been part of my life for so long (heart emoji).
“Thank you, thank you for being YOU, Ate Reg! You will always be my idol. May God continue to bless you and your beautiful gift.”
MULA sa mga awiting pinakikinggan ng mga Pinoy hanggang sa pangarap na makilala sa international music scene, isa na namang mahalagang hakbang ang tinatahak ng Cup of Joe (COJ).
Isinumite ng banda ang awiting Sandali para sa konsiderasyon sa Best Asian Pop Performance category ng 2027 Grammy Awards.
Sa anunsiyong inilabas sa kanilang opisyal na social media accounts, ibinahagi ng grupo ang mensahe sa likod ng kanta:
“A song about finding a little more time with the people who matter, Sandali has been submitted for consideration at the 2027 GRAMMY Awards for Best Asian Pop Performance.”
Nagpasalamat din ang Cup of Joe sa kanilang fans na tinatawag na Joewahs.
Mensahe nila, “Mula sa mga awit na atin lang munang pinagsasaluhan, hanggang sa mga pangarap na unti-unti nating naaabot. Maraming salamat, Joewahs, sa pakikinig at sa patuloy na pagsama sa amin. Ang bawat hakbang ay mas nagiging makabuluhan dahil kasama namin kayo (orange heart emoji).”
Agad namang nagpaabot ng suporta at excitement ang mga Joewahs. Umaasa ang marami na mapabilang ang Sandali sa mga opisyal na nominado.
Sey ng mga fans:
“SA WAKAS. LET’S GOOOOO, COJ!” “Manifesting this submission to become officially nominated at the 2027 Grammy Awards!”
Ayon sa inilabas na iskedyul, nakatakdang ganapin ang first round voting mula Oktubre 12-22, 2026. Inaasahang iaanunsiyo ang listahan sa Nobyembre 16.
Susundan ito ng final round voting mula Disyembre 10, 2026 hanggang Enero 7, 2027, bago ang awarding ceremony sa Pebrero 7, 2027 sa Los Angeles (LA).
Hindi lang COJ ang Filipino act na naghahangad na makilala sa prestihiyosong music awards. Kabilang din sa mga nagsumite ng kanilang entries ang BINI, SB19, Ben&Ben, si Janine Berdin, ang Baby Dolls, at sina Maymay Entrata, Khimo Gumatay at Carmelle Collado.





Comments