top of page
Search
  • BULGAR

Pagbenta ng commercial fishing vessels

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 15, 2024



Dear Chief Acosta,


Nagmamay-ari ako ng ilang commercial fishing vessels at ang aking lisensya para rito ay malapit nang mawalan ng bisa. Hindi ko na sana gusto mag-renew ng aking lisensya at balak kong ibenta na lamang sa iba ang aking mga commercial fishing vessel dahil hindi ko nabayaran ang iba kong pananagutan dahil dito. Maaari ko bang ibenta na lamang ang aking mga vessel at kung mabebenta ko ang mga ito, hindi na ba ako mananagot para sa mga hindi ko nabayaran patungkol sa mga ito? Salamat. – Otto


 

Dear Otto,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 9 ng Republic Act (R.A.) No. 10654, “An Act to Prevent, Deter and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing, Amending Republic Act No. 8550, Otherwise Known as “The Philippine Fisheries Code of 1998,” and For Other Purposes, na nagsaad na:


“SEC. 9. Section 31 of the same Act is hereby amended, as follows:

“SEC. 31. Transfer of Ownership. – The owner/operator of a registered fishing vessel shall notify the Department in writing of any intention to transfer the ownership of the vessel within ten (10) days before its intended transfer to another person. Failure of the owner to do so shall not extinguish any existing or pending sanction or liability with respect to said fishing vessel.” 


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang nagmamay-ari o nag-o-operate ng mga rehistradong fishing vessels ay kinakailangan na ipaalam sa Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng pagsulat, ang kanilang intensyon na ilipat ang pagmamay-ari ng kanilang mga vessel, sa loob ng 10 araw bago ang itinakdang pagbebenta nito. Kung hindi magawa ng nasabing may-ari ng commercial fishing vessel na ipaalam sa Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng kanyang vessel, hindi ito magdudulot sa pagkawala ng kanyang mga kasalukuyang pananagutan na may kaugnayan dito. 


Kung kaya sa iyong nabanggit na sitwasyon, kahit maibenta mo ang iyong commercial fishing vessels sa ibang tao, mananatili pa rin ang iyong pananagutan patungkol sa mga nasabing vessels sang-ayon sa batas, maliban na lamang kung ang pagbenta ng mga ito ay maipagbigay-alam mo sa nasabing ahensya ng gobyerno.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page