top of page
Search
  • BULGAR

Pagbawal sa paghahati ng lupang pagmamay-ari ng lahat

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 4, 2022


Dear Chief Acosta,

Noong taong 2002, ipinagkaloob ng aming lolo sa aming mga apo ang kanyang isang ektaryang lupa subalit ipinagbawal niya ang pagbabahagi o paghahati-hati nito sa loob ng tatlumpung (30) taon. Maaari bang mapagpartehan na namin ang nasabing lupain bago matapos ang nakatakdang taon?


Edgar


Dear Edgar,

Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 494 ng New Civil Code of the Philippines na nagsasaad na:

ARTICLE 494. No co-owner shall be obliged to remain in the co-ownership. Each co-owner may demand at any time the partition of the thing owned in common, insofar as his share is concerned.


Nevertheless, an agreement to keep the thing undivided for a certain period of time, not exceeding ten years, shall be valid. This term may be extended by a new agreement.


A donor or testator may prohibit partition for a period which shall not exceed twenty (20) years.


Neither shall there be any partition when it is prohibited by law.


No prescription shall run in favor of a co-owner or co-heir against his co-owners or co-heirs so long as he expressly or impliedly recognizes the co-ownership.” (Binigyang-diin)

Malinaw na nakasaad sa batas na walang kapwa may-ari (co-owner) ang obligadong manatili sa isang co-ownership at maaari nilang hilingin anumang oras ang paghahati ng bagay na pag-aari ng lahat. Nakasaad din sa nasabing batas na maaaring ipagbawal ng taong nagbigay ng donasyon (donor) na hatiin ito sa panahong hindi hihigit sa dalawampung (20) taon. Kaugnay nito, maaari lamang ipagbawal ng inyong lolo ang pagpaparte ng kanyang ipinamanang lupa hanggang dalawampung (20) taon o hanggang taong 2022. Paglagpas nito, may karapatan na kayo, bilang mga kapwa may-ari na pagpartehan ang nasabing lupain.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page