Pagbabawal na magtayo ng unyon
- BULGAR

- Feb 6, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 6, 2021
Dear Chief Acosta,
Ang aming kompanya ay wala pang unyon at kami ng mga kasamahan ko ay nagbabalak na magtayo nito. Nang aming sabihin ito sa HR manager ay kanyang sinabi na hindi kami maaaring magtayo ng unyon dahil ito ang utos ng aming employer. Maaari bang ikonsidera bilang unfair labor practice ang pagbabawal sa amin na magtayo ng unyon at kung sakaling ito ay tama, hanggang kailan kaya namin ito maaaring isampa sa National Labor Relations Commission (NLRC)? – Ariel
Dear Ariel,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Article 259 ng Presidential (P.D.) No. 422, o mas kilala bilang “The Labor Code of the Philippines as amended” kung saan nakasaad ang mga sumusunod:
“Article 259. Unfair Labor Practices of Employers. It shall be unlawful for an employer to commit any of the following unfair labor practice:
x x x
(2) To require as a condition of employment that a person or an employee shall not join a labor organization or shall withdraw from one to which he belongs; xxx” (Sinalungguhitan para bigyang-diin.)Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ikinokonsidera bilang unfair labor practice ang pagbabawal ng employer sa kanyang mga empleyado na magtayo ng unyon o maging ang pagpapaalis ng sinumang empleyado sa pagsali rito.
Kaugnay nito, binibigyan lamang ng isang (1) taon ang mga nais magsampa ng kasong unfair labor practice, magmula nang pagbabawal na magtayo ng unyon. Ayon sa Article 305 ng nasabing batas:
“Article 305. Offenses. xxx
All unfair labor practice arising from Book V shall be filed with the appropriate agency within one (1) year from accrual of such unfair labor practice; otherwise, they shall be forever barred.”Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments