top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagbababu sa boxing, best decision ni Pacquiao

BULGAR
Oct 1, 2021
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 1, 2021



Nagkakaisa ang sambayanang Pilipino sa pagsasabing the best decision na ginawa ng People's Champ na si Sen. Manny Pacquiao ang tuluyang pagreretiro sa boxing.

Dati nang hinihiling ito sa kanya ni Mommy Dionisia Pacquiao, ganoon din ng dati niyang BFF na si Mayor Chavit Singson.


Ayon na rin kay Mayor Chavit, ang retiring age ng isang boksingero ay 40. Matanda na at kapos na sa lakas at liksi kapag umabot na ng kuwarenta anyos ang isang boksingero.


Bago pa ang laban ni Pacman kay Ugas noon, pinayuhan na ni Mayor Chavit si Manny na huwag nang lumaban at ang kanyang political career na lang ang tutukan. Pero, hindi nga nakinig sa kanya si Sen. Manny Pacquiao, hanggang nagkaroon sila ng tampuhan at tuluyang nasira ang kanilang friendship.


Sabi ng ilang kritiko, mahirap pagsabayin ni Pacman ang kanyang political career at ang pagboboksing. Tiyak na mahahati ang kanyang oras at atensiyon at may magsa-suffer.


Well, ngayon ay makakapag-concentrate na si Pacman sa pagtutok sa kanyang pangangampanya. At anuman ang maging kapalaran niya sa kanyang presidential bid sa 2022 elections, wala na siyang pagsisisihan. Sinunod niya ang kanyang matagal nang ambisyon sa buhay.


Tutal, nailagay naman na niya sa maayos at maginhawang kalagayan ang kanyang pamilya.


Kung tutuusin, sobra-sobra na ang naipon-naipundar na kabuhayan ni Sen. Manny Pacquiao para sa kanyang pamilya. Hindi na sila daranas ng kahirapan kahit kailan.


Pati ang kanyang ina at mga kapatid ay nabahaginan din niya ng katas mula sa kanyang pagboboksing. At ang kanyang record bilang world-class boxer na nakakuha ng 6 Division World title ay hindi mapapantayan ng kahit sinong boksingero sa buong mundo.


Malaking karangalan ang ibinigay ni Pacman sa ating bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page