top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Pag walang kasulatan sa interest ng utang, walang interest na babayaran

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 13, 2021



Dear Chief Acosta,


Umutang ako sa aking kaibigan ng P10, 000, na nararapat bayaran matapos ang tatlong buwan. Walang kasulatan ang aming usapan. Matapos ang tatlong buwan ay inabot ko sa aking kaibigan ang P10,000. Nagulat na lang ako nang biglang humingi siya sa akin ng karagdagang kabayaran bilang interest. Tama ba ito? – Karlo


Dear Karlo,


Isinaad ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa panulat ni Honorable former Associate Justice Mariano C. Del Castillo sa kaso ng De la Paz vs. L & J Development Company (G.R. No. 183360, September 8, 2014) na hindi maaaring mangolekta ng interest ang nagpautang kung wala namang kasulatan tungkol dito o kung mayroon man ay hindi nakalagay sa nasabing kasunduan bilang estipulasyon ang pagbabayad ng interest sa nautang na halaga. Narito ang kaugnay na bahagi ng desisyon sa nabanggit na kaso:


“The lack of a written stipulation to pay interest on the loaned amount disallows a creditor from charging monetary interest.


Under Article 1956 of the Civil Code, no interest shall be due unless it has been expressly stipulated in writing. Jurisprudence on the matter also holds that for interest to be due and payable, two conditions must concur: a) express stipulation for the payment of interest; and b) the agreement to pay interest is reduced in writing.


Here, it is undisputed that the parties did not put down in writing their agreement. Thus, no interest is due. The collection of interest without any stipulation in writing is prohibited by law.”


Samakatwid, walang interest o tubo ang maaaring singilin sa alinmang utang maliban na lang kung ito ay nakapaloob sa kasulatan. Malinaw din na upang maging due and payable ang alinmang interest sa utang, nararapat na mayroong: a) malinaw na estipulasyon sa pagbayad ng interest, at b) ang kasunduan para magbayad ng interes ay nakapaloob sa kasulatan.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais nating ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page