top of page

Pag-transfer sa empleyado bilang parusa, maituturing bang constructive dismissal?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 15, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


May katanungan ako tungkol sa trabaho ng aking ama. Isa siyang security guard at mahigit 14 na taon na siyang nakatalaga sa isang ospital dito sa Marikina. Noong siya ay nagsampa ng kaso laban sa kanyang security agency dahil sa hindi pagbabayad ng overtime pay at holiday pay, bigla siyang inilipat sa isang malayong lugar na naging hadlang upang makapasok siya sa trabaho. Hinala ng aking ama na inilipat siya dahil sa isinampa niyang kaso laban sa security agency. Hindi ba maituturing na parang tinanggal sa trabaho (constructively dismissed) ng security agency ang aking ama? Maraming salamat po.

-- Gabriela



Dear Gabriela,


Ang constructive dismissal ay isang uri ng pagtanggal sa trabaho na hindi tuwiran, ngunit nagaganap kapag ang isang employer ay nagtatakda ng mga kondisyon sa trabaho na nagiging hindi katanggap-tanggap o hindi makatarungan para sa empleyado. Sa madaling salita, ang empleyado ay napipilitang magbitiw mula sa trabaho dahil sa mga pagbabago sa kanyang kalagayan na dulot ng employer. Ito ay itinuturing na isang uri ng ilegal na pagtatanggal sa trabaho.


Karaniwang halimbawa nito ay pagbaba sa ranggo, pagbawas ng suweldo at iba pang benepisyo. Ito ay umiiral din kung may malinaw na diskriminasyon o pang-aalipusta ang employer na siyang naging dahilan kung bakit hindi na makatiis ang empleyado sa kanyang trabaho at napipilitan na lamang itong umalis. Ayon sa kasong Gan vs. Galderma Philippines, Inc. (G.R. No. 177167, 17 Enero 2013, na isinulat ni Kagalang-galang Punong Mahistrado Diosdado M. Peralta), ang pamantayan kung mayroong constructive dismissal ay kung ang isang makatwirang tao sa posisyon ng empleyado ay mapipilitang isuko ang kanyang trabaho/posisyon sa ilalim ng mga pangyayari. Nakasaad sa nasabing kaso na:


 “The test of constructive dismissal is whether a reasonable person in the employee’s position would have felt compelled to give up his employment/position under the circumstances.”




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page