top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

'Pag natuloy lumipat sa TV5... IT'S SHOWTIME, TAGILID SA EB!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 9, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 9, 2023




Dahil sa kumakalat na balitang posibleng ilipat ang Eat... Bulaga! sa TV5, may ilang senaryo na ngang nakikita ang mga netizens na puwedeng mangyari.


Maaaring mabago ang noontime slot ng It’s Showtime sa TV5 kung matutuloy nga ang balitang paglipat ng EB! sa nasabing network.


Kapag nangyari ‘yun ay baka maging pre-programming na lang ang It’s Showtime o ‘di kaya ay ilipat na lang ito sa hapon bago ang news program ng TV5.


Kung sakali, papayag ba ang grupo ni Vice Ganda sa It’s Showtime sa mga posibilidad na ito?


Ang tanong, sino at aling programa ang mas papaboran ng TV5?!


For sure, ang gustong mangyari nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon o TVJ ay ilagay sa noontime slot ang EB!.


May choice ba si Vice at ang iba pang hosts ng It’s Showtime kapag nangyari ‘yun?


Kahit na sikat ang TV host-comedian ngayon ay hindi pa rin niya mapapantayan ang record ng TVJ na umabot ng apat na dekada sa showbiz.


Tiyak na mas angat pa rin ang TVJ sa dami ng kanilang mga loyal supporters at hindi basta-basta mapapataob ng kahit sinong sikat na baguhan ang tatlo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page