'Pag naging pangulo, wa' na raw iskuwater… SEN. PACQUIAO, PINAGTATAWANAN LANG NG MGA BETERANONG
- BULGAR
- Sep 1, 2021
- 1 min read
PULITIKO
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 1, 2021

Marami na naman ang nagulantang sa naging pahayag ni Sen. Manny Pacquiao na kung sakaling siya ay mananalong pangulo sa next election ay bibigyan niya ng bahay ang lahat ng squatters sa ating bansa.
'Yun ang pangakong balak niyang tuparin sa loob ng anim na taon ng kanyang panunungkulan bilang pangulo kapag siya ay nanalo.
Pinagtatawanan ng ilang beteranong pulitiko ang naging pahayag na ito ng People's Champ. Napakaimposible raw na magagawa niyang bigyan ng bahay ang 5 to 10 million squatters sa Pilipinas.
Sabi nga ni dating Senador Juan Ponce Enrile, kung 'yung mga naunang umupong pangulo ng 'Pinas ay hindi nagawang bigyan ng libreng pabahay ang mga squatters, paano 'yun magagawa ni Pacman?
Saan siya kukuha ng budget? Hindi naman niya siguro gagamitin ang sarili niyang pera para sa kanyang pabahay project?
Ang suggestion ng mga netizens ay mas dapat na unang tutukan ni Sen. Pacquiao na hanapan at bigyan ng trabaho ang ating mga kababayan upang maitaguyod ang kanilang pamilya.
Trabaho ang priority ng lahat, hindi pabahay sa mga squatters. At bukod sa trabaho, ang pagkain sa araw-araw ang kailangan ng lahat.
Dapat na magkaroon si Sen. Manny ng sariling team ng mga ekonomista na nakakaintindi ng mga pangangailangan ng ating urban poor. Kailangan ni Pacman ng mga taong may malawak na kaalaman sa pagpapatakbo ng gobyerno.
Ang mga ideya kasi ng ating People's Champ ay pang-probinsiya lamang, hindi para sa buong bansa.
Sen. Pacquiao needs veteran advisers na gagabay sa kanya, hindi 'yung puro "yes man" at "corrupt".





Comments