‘Pag ‘di nakipagkasundo... US-Iran war, tuloy pa rin — Trump
- BULGAR

- 7 hours ago
- 2 min read
ni Jenny Rose Albason @World News | April 22, 2026

Photo: The White House
Magpapaso na ang ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran gabi ng Miyerkules (oras sa Washington), ayon kay US President Donald Trump.
Ayon kay Trump, malaki ang posibilidad na hindi na niya ito palawigin kung walang mabubuong kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.
Inaasahan din niyang maaaring muling sumiklab ang labanan kung mabibigo ang ikalawang yugto ng pag-uusap na makapaghatid ng konkretong kasunduan.
Samantala, ngayong Martes ay inaasahang lilipad patungong Pakistan si US Vice President JD Vance kasama ang ilang matataas na opisyal ng Estados Unidos, bilang paghahanda sa posibleng panibagong round ng negosasyon.
Nagpahayag din si Trump ng kumpiyansa na makikibahagi ang Iran sa usapan, sa kabila ng naunang pahayag ng Tehran na hindi ito dadalo at walang nakatakdang negosasyon sa kasalukuyan.
Suspek, nagpakamatay
32-ANYOS, TODAS SA PAMAMARIL
NASAWI ang isang 32-anyos na babaeng Canadian at ilang iba pa ang nasugatan matapos magpaputok ng baril ang isang lalaki sa historical site sa Mexico. Matapos ang insidente, nagpakamatay ang suspek.
Nagpahayag ng pakikiisa si Claudia Sheinbaum sa mga biktima ng pamamaril sa sinaunang pyramid complex ng Teotihuacán, na isang UNESCO World Heritage Site at kilalang tourist destination.
Naganap ang insidente pitong linggo bago ang pagbubukas ng FIFA World Cup sa Mexico City.
Narekober ng pulisya ang baril, patalim, at mga bala sa lugar. Kinumpirma ni Canada's foreign minister Anita Anand na may isang Canadian na nasawi at isa pang sugatan, habang kabilang din sa mga nasugatan ang dalawang Colombian at isang Russian, ayon kay Cristóbal Castañeda Camarillo.
Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng gunman.
Sa kabila ng karahasang may kaugnayan sa drug cartel sa Mexico, bihira ang ganitong insidente na sangkot ang mga turista. Inaasahang aabot sa 5.5 milyong bisita ang darating para sa World Cup, kung saan magde-deploy ang bansa ng halos 100,000 security personnel para sa seguridad.




Comments