Pag-apply muli kapag na-revoke ang Certificate of Registration

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 23, 2021
Dear Chief Acosta,
Ako ay pharmacist ngunit ang aking Certificate of Registration para rito ay na-revoke noong nakaraang taon. Ano ang maaari kong gawin upang makakuha ulit ako ng nasabing certificate? – Jay
Dear Jay,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Republic Act No. 10918, o mas kilalang Philippine Pharmacy Act. Nabanggit sa Section 24 ng nasabing batas na:
“Section 24. Reissuance of Revoked Certificate of Registration, Replacement of Lost or Damaged Certificate of Registration, Professional Identification Card or Special/Temporary Permit. - The Board may, upon petition, reinstate or reissue a revoked COR after the expiration of two (2) years from the date of its revocation. The Board may, in its discretion, require the applicant to take another licensure examination. The petitioner shall prove to the Board that there is a valid reason for such reinstatement. For the grant of the petition, the Board shall issue a Board Resolution, to be approved by the PRC. [...]”Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, maaari kayong mag-file ng petisyon sa regulatoryboard ng mga pharmacist pagkatapos ng dalawang (2) taon mula sa petsa kung kailan na-revoke ang inyong Certificate of Registration. Gayunman, maaari kayong pakuhanin ulit ng pagsusulit para rito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments