top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pag-amin sa hiwalayan nila ni Daniel, 6M… MGA POSTS NI KATHRYN, MILYON ANG LIKES

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2024
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 27, 2024



Sa pagtsetsek namin sa Instagram ni Kathryn Bernardo, napansin namin na ang mga posts niya lately ay umaabot sa 1 million likes. Ang post nito na nakaupo at nagpapahinga pagkatapos tumakbo, may 1,030, 478 likes. Ang post namang naka-bikini ang aktres, may 1, 250,966 likes. 


Isa pang post ni Kathryn na umabot sa 1M ang likes ay ‘yung may kasama siyang aso na nakita niya sa isang store at pinet niya. 


Heto pa, ‘yung kumakain siya ng Tomyum, may 1,554, 310 likes na.


Pero pinakamaraming likes sa post ni Kathryn ay ‘yung ipinaalam nito na break na sila ni Daniel, umabot na sa 6,041, 276 likes. 


Sabi ng mga fans ni Kathryn, milyonarya ang aktres pagdating sa likes sa kanyang mga posts.


Samantala, gaya ng ex niyang si Daniel Padilla, hindi rin daw aalis sa Star Magic si Kathryn para lumipat sa ibang artist management. Ang iniisip nga ng mga fans, sa Crown Artist Management nina Rambo Nuñez at Maja Salvador lilipat si Kathryn dahil bukod sa kaibigan niya sina Maja, magkasama sila sa isang dinner a few weeks ago.


Ang sabi, muling pipirma ng kontrata sa Star Magic si Kathryn. May nagsabi namang nakapirma na ito, tahimik lang daw at hindi na ipinaalam sa press, na parang malabo.


Mas tama ‘yung anggulo na pipirma pa lang siya ng kontrata.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page