Pag-aangkin ng China sa Batanes, pinalagan
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 11, 2026

Photo: Ang mga bangkang pangisda sa Zambales sa pamamagitan ng aerial view sa makasaysayang sea formation sa pagbuo ng watawat ng Pilipinas sa karagatan na sakop ng Subic bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award na pumabor sa Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea (WPS). (Jeff Tumbado)
Tinutulan ni Dr. Jose Antonio Goitia ang umano’y pag-aangkin ng ilang iskolar na Tsino sa Batanes at iginiit na matagal na itong kinikilalang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas batay sa kasaysayan, batas at tuloy-tuloy na pamamahala ng bansa.
Ayon kay Goitia, walang internasyonal na kasunduan o desisyon ng alinmang pandaigdigang hukuman na kumikilala sa Batanes bilang bahagi ng China, kaya walang batayan ang naturang pahayag.
Sinabi rin niya na nanatiling nasa ilalim ng pamamahala ng Pilipinas ang Batanes mula pa noong panahon ng mga Espanyol at Amerikano hanggang sa kasalukuyang Republika ng Pilipinas.
Binigyang-diin pa ni Goitia na ang soberanya ng isang bansa ay hindi nakabatay sa lapit ng teritoryo o mga propaganda, kundi sa kasaysayan, batas at matatag na pamamahala.
Nagbabala rin siya laban sa paggamit ng mga mapa at iba pang naratibo upang baluktutin ang kasaysayan at impluwensiyahan ang pananaw ng pandaigdigang komunidad.





Comments