top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Padir ni Julia, ngayong masyonda na… DENNIS, SISING-SISI NA INUBOS ANG PERA, WA' IPON

  • BULGAR
  • May 7, 2021
  • 1 min read

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 07, 2021




Maraming magagandang kuwento ang erpats ni Julia Barretto na si Dennis Padilla noong siya ay nagsisimula pa lang mag-artista.


Ninong niya sa totoong buhay ang yumaong si Fernando Poe, Jr.. Siya ang gumanap na batang FPJ noong 1974 sa pelikulang Totoy Bato.


Nakasama rin siya sa movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Ang Viva Films ang nag-launch sa kanya noon sa pelikulang Astig. Nagkasunud-sunod ang kanyang mga pelikula noon at malakas siyang kumita.


Pero, isang bagay ang nakalimutan niyang gawin — hindi siya nakapag-ipon at nakapag-invest. Hindi niya naisip na mag-save para sa sariling kapakanan.


Kaya, natutuwa siya sa mga kabataang artista ngayon na marunong humawak ng kanilang kinikita mula sa pag-aartista. Nakakabili at nakakapagpundar ang mga ito ng mga properties kaya bata pa ay maayos at matatag na ang future!


Sana, 'yun daw ang ginawa ni Dennis Padilla noong kasikatan niya at marami pa siyang pera. 'Yan ang biggest regrets ng tatay ni Julia Barretto sa kanyang buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page