top of page

Padir ng anak, umayaw na talaga… BEA, AMINADONG NAGGER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 10, 2026



Bea Borres sa Fast Talk with Boy Abunda

Photo: Bea Borres sa Fast Talk with Boy Abunda / YT



Ibinahagi ng content creator-aktres na si Bea Borres sa Fast Talk with Boy Abunda (FTBWA) kamakailan ang tungkol sa co-parenting setup kasama ang mother dearest ng kanyang dating boyfriend.


Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa dating karelasyon ni Bea.

Sey ni Bea, “You know the saying, a relationship built on another woman’s tears will not work out. Totoo pala ‘yun. It will never work.”


Tanong ng mahusay na TV host na si Boy Abunda, “In other words, ang ‘di mo pa nasasabi at ‘di mo pa naikukuwento ay may umiyak na girl when you and Meray Yamada came together?”


Sey ni Bea, “Yes.”


Dagdag na tanong ni Boy, “Pero the pregnancy, ano ‘yun? Pinlano n’yo? Was that part of, you know, were you planning to get married?”


Sey ni Bea, “Tito Boy, pa-skyrocket ‘yung career ko, magsa-sign na ‘ko for GMA.

“Yes, as in may contract na ‘ko and everything. I was asking questions, parang ikina-clarify ko na lang, nagko-consult ako sa lawyer ko. Tapos biglang ‘yun, nabuntis ako. So, ‘di talaga s’ya planado.”


Sa panayam ay kinumusta ng King of Talk na si Boy ang relationship status ni Bea sa ex nito.


Sey ni Bea, “At first naman, Tito Boy, he was really willing. He was really willing. Okay, again, never ko pa nare-release ‘to pero nakipag-break ako, in-expect ko na hahabulin n’ya ‘ko, kasi s’yempre, dinadala ko ‘yung anak n’ya. And then three days after na nag-break kami, I was trying, hinahabol ko s’ya, ‘Can we fix this?’ Parang takot na takot akong maging single mom. I’m so scared na maging single mom.


“Tapos, biglang may kinausap na s’ya agad. Sabi n’ya na joke. Pero alam mo ‘yun? I’m carrying your child pero ganu’n ‘yung ginagawa mo.”

Hirit na tanong ni Boy, “Sumagi ba sa isipan mo na ipalaglag ang bata?”

Sey ni Bea, “I don’t want to put it in that way, Tito Boy, pero s’yempre sa Amerika left and right ‘yung clinic. So I considered it. I considered it na what if ‘di ko na ituloy. Ikino-consider ko talaga s’ya.”


Tanong ni Boy, “What stopped you?”

Sey ni Bea, “‘Yung takot ko po sa Diyos. I’m not the most religious person pero takot na takot po ako talaga kay Lord. Feeling ko, kahit I ask for forgiveness, may nadamay na baby, parang ‘di ko talaga kaya. Kaya ko naman honestly, honestly speaking, kaya naman ng family ko. So parang alam mo ‘yun, natatakot ako na anuhin ako ni Lord. I mean, i-take away sa akin ‘yung mga meron ako. Natakot po talaga ako.”

Saad ni Boy, “Tama ang desisyon mo.”


Sey ni Bea, “Sobra. You know what, Tito Boy? If I could go back in time, magkaka-baby ako, I would really do it the right way, but I would choose the same baby all over again, but in a different situation. Siguro, love. Alam mo ‘yun, galing s’ya sa pagmamahal.”

Tanong ni Boy, “Are you co-parenting with ‘Baby Daddy’?”


Sey ni Bea, “No, I’m co-parenting with his mom. I tried though.”

Paglilinaw na tanong ni Boy, “Sa nanay ng iyong ex?”

Sey ni Bea, “Yes.”

Saad naman ni Boy, “Okay.”


Sey ni Bea, “Wala akong masabi kay Tita. Tita, if you’re watching this, napakabait mo pero ‘yung anak mo talaga, ‘di ko gusto. Charot (joke) lang.”


Dagdag pa ni Bea, “Tito Boy, I tried. Ipinakita ko, nagsama kami, nag-acting kami na para kaming pamilya. Pero bumalik lahat ng sakit.


“Kasi when I was pregnant, wala talagang anything, tapos ngayon, kahit sabihin ko na ‘Ayoko, ikaw mag-adjust for me,’ nag-expect pa rin ako na he would try. Nakalabas na daughter namin, pero wala talaga.


“Alam mo, one thing I learned about men is if they really wanted to, they would.

“Kahit ano’ng sabihin kong ‘Ayoko, ‘wag mo kitain ang anak ko,’ pupuntahan n’ya kasi gusto niya. Dahil anak n’ya ‘yun. Pero walang ganu’n.”


Hirit na tanong ni Boy, “Ang tanong, ano naman ang pagkukulang mo sa relasyong ‘to?”

Sey ni Bea na may kasamang biro, “Perfect po ako, charot lang. Siguro kasi, masyado akong nagger at ‘yung mga lalaki kasi, ayaw nila ‘yun. Ayaw nila ng pinagsasabihan sila ng kung ano ang gagawin nila.


“But yeah, I just can’t. Parang kailangan ko i-point out ‘yung mistakes n’ya, and ‘di ako mabait. Feeling ko, nasasaktan ko rin s’ya.”


Matatandaang noong Disyembre, ipinanganak ni Bea Borres ang isang batang babae na pinangalanan niyang Victoria Hope, na gumugol ng 44 na araw sa neonatal intensive care unit (NICU) bago pinalabas.





IIKOT sa iba’t ibang lugar para mag-busking ang Kapamilya singer-songwriter na si Angela Ken at iparinig ang kanyang bagong EP na pinamagatang Panahon.


Nakatakda siyang mag-perform sa SM North EDSA kahapon (Mayo 8), sa SM City Baliwag sa Mayo 12 (Martes), SM City Sta. Mesa sa Mayo 14 (Huwebes), SM Mall of Asia (MOA) sa Mayo 15 (Biyernes), SM Southmall sa Mayo 18 (Lunes), at SM City Fairview sa Mayo 20 (Miyerkules).


Aawitin niya ang tracks mula sa kanyang bagong labas na Panahon EP (extended play) mula sa Tarsier Records. Naglalaman ito ng mga bagong kanta na Kahapon, Panahon, at Simula Ngayon, pati na rin ang mga nauna niyang inilabas na single na Baka Bukas, Kulimlim, at Pwede Bang Mamaya?


Si Angela ang nasa likod ng hit song na Sikulo, ang kolaborasyon niya sa kapwa-Kapamilya artists na sina Maki at Nhiko Sabiniano, at Ako Naman Muna


Nakipagsanib-puwersa rin siya sa OPM band na Over October para sa Moved on Last collab nila noong nakaraang taon.


Kamakailan ay umani na ng mahigit 1.2 million streams sa Spotify ang Baka Bukas single ni Angela.


Abangan si Angela sa busking tour niya sa SM Supermalls ngayong Mayo.

‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page