top of page
Search
  • BULGAR

Padir, disappointed daw sa kanya… DIEGO, AMINADONG 'DI NAGING MABUTING ANAK

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 28, 2024




Naging mabuting anak ba si Diego Loyzaga kina Cesar Montano at Teresa Loyzaga?


Diretsong sinagot ito ni Diego ng “NO!” sa panayam niya sa YouTube channel ni Ogie Diaz kamakailan.


Ang paliwanag ng actor, “I know for a long time hindi. I told you, I’m an honest person.  I know there are a lot of things that I disappointed by dad, I know there are a lot of things that my mom ang tagal niyang nagtiis na matuto ako, ‘wag ko nang ulitin ‘yung mga pagkakamali ko until today.


“I don’t think kasi na ‘you always try to be better, ganu’n naman ‘yun, eh.  Ang pangit kung sabihin kong I did something stupid (at) bukas gagawin ko ulit kinda..bukas try not to do it again.”


Hirit ng content creator, “so bukas ibang pagkakamali naman (gawin mo).”


Sagot ni Diego, “again how do you learn if you don’t?”


Dagdag pa,“I wanna do that that’s why I work so hard.  I wanna achieve what my dad has achieved in life.  And in my mom’s side naman the fact that she’s a single mom who was able to raise two boys on her own in a foreign country ang hirap no’n, she was working multiple jobs just to put food on the table, so sa mga pinagdaanan ko wala pa ‘yun sa mga pinagdaanan ng parents ko.  ‘Yun nga kasabihan papunta ka palang pabalik na ako what more our parents di ba?  And yes I want to be able to do something para masabi nil ana they’e proud of me at masabing nagbago na ako.”


Gusto rin niyang manalo ng awards tulad ng amang si Cesar sa mga nagawa nitong pelikula.


Kinumusta ni Ogie ang mental health ni Diego, “I’m happy, I’m in a good place, whatever the outside adversity will always be there I mean what is life if everything is just happiness, di ba? There’s always a good day and bad day.”


0 comments

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page