top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pacquiao, nagkumahog sa ibang teknik dahil sa bagong kalaban

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 13, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | August 13, 2021




Sa loob halos ng ilang linggo, todo ang paghahanda ni Manny Pacquiao para sumagupa sa isang kaliweteng kalaban na si Errol Spence Jr. pero dahil umatras si Spence bunsod ng eye injury, biglang pumalit si Cuban Yordenis – ang WBA “super” welterweight titleholder na dapat sana ay lalaban sa undercard ng Pacquiao vs Spence event sa T-Mobile Arena sa Las Vegas bilang kapalit na kasagupa ni Pacquiao.


Nagkaroon ngayon ng komplikasyon ang ensayo ni Pacquiao kontra southpaw dahil si Ugas ay ipinakilala bilang orthodox fighter o lumalaban na kanan ang ginagamit na dominanteng kamao. Mismong si Pacquiao ang nagsabi na medyo nagkaproblema siya ngayon dahil ang kanyang bagong kalaban ay iba ang estilo kumpara sa pinaghandaan niyang si Spence. "The only danger for this fight is the change in stance," ani Pacquiao pero sinabi nitong hindi naman masyadong problema sa kanya na orthodox fighter si Ugas.


Karamihan sa kalaban ni Pacquiao ay orthodox fighters at noong 2008 lang ito huling lumaban kontra southpaw na si David Diaz. Ayon kay Pacquiao wala umano siyang pakialam kung kaliwete o kanan ang kanyang kalaban. "I always consider myself a bipartisan boxer. I am happy to fight either right-handed or southpaw fighters," wika nito. "It's no problem for me at all to switch the styles I'm going to face."


Matapos nitong mabalitaan na si Ugas na ang kanyang kalaban, agad umano itong sumabak sa 8-round ng sparring upang maka-adjust sa training. Maging si coach Freddie Roach ay agad na pinanood sa Youtube ang laban ni Ugas upang pag-aralan ito at malaman kung anong strategy ang kanilang gagamitin para madaling matalo ang Cuban fighter. Wala umanong indikasyon na titigil na sa boksing si Pacquiao sa edad na 42 dahil handa ito sa kahit anong challenge na ibabato ng kanyang mga kasagupa. "Both Spence and Ugas are aggressive fighters, which I like," wika nito.“I’m not disappointed at all.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page