Pacquiao, ipinagtanggol… ANNABELLE KAY VICE: 'WAG MONG SIRAIN ANG MAKAKAPAGLIGTAS SA BUONG 'PINAS
- BULGAR
- Oct 31, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 31, 2021

Galit na galit daw si Annabelle Rama kay Vice Ganda.
Ang dahilan diumano ay hindi nagustuhan ni Tita Annabelle na ginawang joke ni Vice Ganda si Sen. Manny Pacquiao sa nakaraang concert ng Unkabogable Star sa Amerika.
Sa latest vlog ni Ogie Diaz with Mama Loi, sinabi niya na nakarating nga raw sa kanya na galit na galit si Tita Annabelle kay Vice.
“Ang sabi ng ating source, si Annabelle ang medyo na-offend for Manny Pacquiao. Ang sabi naman ni Tita Annabelle, baka raw hindi nalalaman ni Vice Ganda na si Manny Pacquiao ay 6 na taong naging congressman, 9 na taong senador, 26 years sa boxing at bilyonaryo. Siya raw ang makakapag-save ng buong Pilipinas, sabi ni Tita Annabelle. So, bakit daw ginaganu’n ni Vice sa stage?” saad ni Ogie.
Ipinaliwanag ng vlogger na ‘yung joke kung saan nag-react si Tita Annabelle ay matagal na raw na ginagawa ni Vice.
“Gusto ko lang sabihin kay Tita Annabelle, hindi natin ipinagtatanggol si Vice Ganda rito pero matagal na pong joke ‘yun dito sa mga comedy bars,” paglilinaw ni Ogie.
“Ah, ‘yung PACquiao University na shinort-cut. Na-gets ko agad kasi noong sinabi mong matagal nang joke, eh, galing tayo d'yan,” sabi naman ni Mama Loi.
Kuwento ni Ogie, may parte raw kasi sa concert na nag-uusap sina Vice Ganda at mga kapwa-komedyante na sina Lassy at MC.
“Ang sabi raw kasi, kung magtatayo ng university si Manny Pacquiao ay tatawagin itong Pacquiao University na ang mga estudyante ay tatawaging ‘pacquers’ at ang mga nanay ay tatawaging ‘mother pacquers,’” kuwento ni Ogie na natatawa.
Bentang-benta raw talaga ang nasabing joke sa mga tao at nakarating nga raw kay Tita Annabelle ang nangyari since wala naman daw ito sa concert.
“Ang sabi nga ni Tita Annabelle, ‘wag sirain ni Vice Ganda ang kanyang kandidato. Kasi mataas daw sa survey si Manny Pacquiao. Ang intindihin na lamang daw ni Vice Ganda, ‘yung kandidato niya,” sey ni Ogie.
Muli ay ipinaliwanag niya na hindi naman pinagtatawanan ni Vice si Manny.
“Hindi naman dahil pinagtatawanan si Manny Pacquiao kundi naglaro lang din sila roon sa pangalan. Although siyempre sa iba, pangit ‘yun na bakit paglalaruan ang pangalan ng isang tao. Eh, kaya lang, 'di ba, alam mo sa kultura nating mga Pinoy, lahat naman kaya nating gawan ng paraan kung paano magiging light ‘yung comedy o magiging light ang mga isyu,” paliwanag pa ni Ogie.
Idinagdag din niyang ganu’n naman daw talaga ang brand of comedy sa mga comedy bars at hindi dapat sineseryoso.
“Happy birthday, Tita Annabelle! 'Wag na mainit ang ulo, Tita Annabelle,” mensahe pa ni Ogie sa Gutierrez matriarch.





Comments