top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pacquiao, handang-handa na sa 'banta' ni Spence, Jr

BULGAR
Jul 4, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | July 04, 2021




Isiniwalat ng Team Pacquiao na halos 80% nang handa si 8th division world champion Manny Pacquiao para sa laban nila ni Errol Spence Jr. sa Las Vegas sa Agosto.


Ayon kay Pacquiao, sinimulan na niya ang adjustment ng kanyang body clock para hindi manibago sa oras ng pagtulog at paggising kapag lumipad na sila sa US. Sinabi ni Pacman na binago na niya oras ng kanyang training at pahinga maging ang ibang paghahanda para sa nalalapit na laban. Pero ayon sa Team Pacquiao, ayaw muna nilang mag-peak sa training ng maaga dahil baka ma-burn out ito at mawala na ang lakas pagdating ng actual fight sa buwan ng Agosto.


May nagsabi na posibleng maaantala ang laban ni Pacquiao kay Errol dahil sa nagsampa ng injunction ang Paradigm sports para ipatigil ng korte ang nasabing laban.


Samantala, suicide naman umano ang ginawang pagpili ni Pacquiao kay Spence bilang kalaban dahil natengga ito sa pagsagupa sa ring ng dalawang taon, ayon sa isang beteranong sports analyst. Huling lumaban ang 42-year-old na si Pacquiao noong July 2019 nang talunin nito ang dating undefeated na si Keith Thurman via split decision.


"Pacquiao has been on a two-year hiatus. What did he do? He ate, attended the Senate, slept late, played chess, he did everything that can take a toll on his body,” banat ng sports analyst. “At some point when I saw Manny his stomach was out. Don’t believe that he plays basketball, his basketball does not equate to the training of the likes of Errol Spence,” panunuya pa ng beteranong sports writer.


Sa pananaw ng sports critic, mas maganda umanong lumaban muna sana si Pacquiao sa isang tuneup bout bago sagupain si Spence dahil mapanganib umano itong kalaban lalo pa at matanda na ang Pambansang Kamao. “This is the first time that Pacquiao will fight from a two-year layoff. This is going to be very worrisome for Pacquiao to think that Spence is a livewire [opponent]. Spence is the top dog in the welterweight division,” wika pa ng kritiko.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page