top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pacman, nambugbog ng ka-spar, humanda na si Errol Spence, JR.

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | August 09, 2021



Bugbog-sarado kay Sen. Manny Pacquiao ang isa sa tatlong foreign sparring partners nito sa ginaganap na sparring session sa Wild Card Gym bilang paghahanda sa laban kontra sa mapanganib na undefeated American fighter na si Errol Spence. Napaluhod umano sa bugbog na inabot ang hindi pinangalang sparring partner matapos gamitin ni Pacquiao ang isa sa taktikang gagamitin nito sa laban kay Spence.


Sinabi ng insider na tumagal ng 15 segundo bago maka-recover ang naturang sparring partner. Ayon sa mga sparring partner ng Pambansang Kamao, kumpiyansa silang mana- knockout ni Pacman si Errol Spence sa Agosto 22.


Sa ngayon, bawal na ang pagpapasok ng bisita at media sa Wild Card Gym sa Los Angeles upang makaiwas si Pacquiao sa panganib ng coronavirus. “Lahat ng papasok ay dadaan sa antigen test at pagkatapos lagyan ng covid negative bracelet na nagpapatunay na negatibo sa virus,” anang Team Pacquiao.


Nagtapos na rin kahapon ang media day na dinaluhan ng piling International media. Saglit lamang nagpakita si Pacquiao sa media day at sinagot ang ilang mga katanungan.

Bawal din ang pagkuha ng video upang hindi masilip ang ginagawa nilang ensayo. Ang laban ni Pacman sa Las Vegas ay isasahimpapawid ng GMA Network sa pamamagitan ng TAP Digital Media Ventures Corp.


Mapapanood ng Pinoy fans sa Agosto 22 ng 11 a.m. at mapapakinggan sa DZBB 594 simula ng 9 a.m. habang ang replay ng 'Pacquiao vs. Spence Jr., Gerational Showdown ay 10:30 p.m. sa parehong araw sa GMA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page