top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pacman na sa U.S. na 'kabado' na kay Spence

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | July 05, 2021



Dumating na sa U.S. si 8th division world champion Manny Pacquiao upang sumabak sa mas mabigat na training para sa laban nila ni Errol Spence sa August 21 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.


Umalis ang kampo ni Pacquiao nitong Sabado ng gabi upang makasalamuha si Coach Freddie Roach sa Wild Card Gym para sa huling preparasyon nito sa kanyang muling pagtuntong sa ring matapos ang dalawa taon na pamamahinga bunsod ng pandemic. Sa isang press conference, sinabi ni Pacquiao na ayaw niyang magpakumpiyansa at hindi umano siya handang magbigay ng prediksyon sa magiging laban nila ng undefeated US fighter na si Spence. “Pasensiya ka na kasi hindi naman talaga ako nagpre-predict ng fight kasi I always believe God and asking guidance from God… He is the one giving me ability and strength to accomplish all those things,” sagot nito. “Gawin ko ang lahat ng aking makakaya. Kung may knock out man early or later, ‘yan ay pasalamat tayo sa Panginoon,” dagdag pa nito.


Sa kanyang press conference, isiniwalat din ni Pacquiao na mayroon umanong corruption sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health at Department of Energy. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na hindi siya nababagabag sa kasong isinampa ng Paradigm Sports sa kanya, at ipinilit na wala itong basehan. “Ay hindi po ako nababahala doon dahil wala naman po silang basis para po i-stop ‘yung fight. At wala naman po silang basis doon sa mga reklamo nila,” ani sa Pacquiao virtual press conference.


Nitong huling linggo ng June, nagsampa ang Paradigm Sports ng kaso kontra kay Pacquiao kung saan humihingi ito ng danyos na $3,300,000 at humiling ng injunction para ipatigil ang laban nito kontra kay WBC at IBF world welterweight champion Spence. Ayon sa abogado ni Pacquiao na si Dale Kinsella, wala umanong merit ang kaso at layunin lang nitong guluhin si Pacquiao sa kanyang training sabay sabing magsasampa sila ng kontra demanda sa nasabing sports firm.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page