top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pacman, bagong laban sa korapsiyon ang haharapin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2021
  • 1 min read

ni MC - @Sports | August 25, 2021



Natalo man kay Yordenis Ugas ng Cuban, naghahanda naman ngayon si veteran fighter Manny Pacquiao sa kanyang susunod na laban -- laban kontra sa korapsiyon.


Matatandaang kumasa si Pacquiao sa hamon ni Presidente Duterte na isisiwalat nito ang korapsiyon sa kasalukuyang administrasyon. Kahit umano nahirapan ang 42-year-old boxer na talunin ang mas malakas at batang Cuban champion, naniniwala ang maraming fans na mananalo ito sa pagsisiwalat ng korapsyon sa gobyerno lalo pa at inilabas na ng Commission on Audit ang ilang problema sa kontrata at gastusin ng ilang sangay ng gobyerno.


Nitong linggo, kitang kita na nawala na ang kamandag ng kamao ni Pacquiao at bawat suntok nito ay tinatawanan lang ni Ugas kaya natalo ang Pambansang Kamao via unanimous decision sa kanilang paghaharap na maaaring huling pagtuntong na nito sa ring na tatapos sa napakaganda nitong career sa boksing sa loob ng tatlong dekada.


Kinailangan pa ng kapalit na hindi kilalang fighter sa katauhan ni WBA super welterweight champion Ugas para iparamdam kay Pacquiao na lahat ay may katapusan sa larangan ng boksing. "It's now the right time for him to retire, focus on his Senate job, and intensify his anti-corruption campaign which he started before he left for the US," ayon sa isang supporter.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page