Pacman, aminadong mahihirapan kay Spence
- BULGAR
- Jun 10, 2021
- 2 min read
ni MC - @Sports | June 10. 2021

Aminado si Super WBA welterweight champion Sen. Manny Pacquiao na mahihirapan at mapapalaban siya ng husto kay WBC/IBF ruler Errol Spence Jr. sa paghaharap nila sa nakatakdang 12-round unification showdown sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas sa Aug. 21.
Hindi nagbigay ng prediksyon si Pacman sa kanyang magiging laban pero nangako ito na magiging maaksyon ang kanilang sagupaan ni Spence. Inaamin ni Pacquiao na medyo nahuhuli siya sa ginagawang ensayo pero babawi umano ito kapag sinimulan na niya ang ensayo sa General Santos City bukas. Kahit hindi pa man sinisimulan ang formal na training camp, napanatili ni Pacquiao ang kanyang kondisyon sa pamamagitan ng roadwork, gym at paglalaro ng basketball.
Binabantayan nina Buboy Fernandez at Nonoy Neri ang ginagawang workout ni Pacquiao at inaasahang tutulak ang Pacquiao team pa-Los Angeles sa unang linggo ng Hulyo upang makasama si Freddie Roach sa Wild Card Gym.
Magsasagawa rin ng media tour si Pacquiao pagdating sa LA. Inamin ni Pacquiao na pinapalakas niya ngayon ang stamina dahil balak nitong makipagsabayan sa giyera ni Spence.
Target din ni Pacman na palakasin ang kanyang upper body, pataasin ang level ng kanyang power at bawasan ng ilang pound ang timbang para mas maging magaan at mabilis ang paa. Ibinida rin nito na napanood na niya ng ilang laban ni Spence at kasalukuyang gumagawa ng opensa at depensa. Hindi naman nagsalita si Pacquiao kaugnay sa game plan sa pagsagupa niya kontra sa undefeated US fighter at sinabing sikreto pa ito. Ayon kay Pacquiao ang matinding ensayo ang magiging sandata niya para talunin ang batang si Spence. “To make boxing easier, do your best not to be flat-footed in training because what you do in training, you can adapt to the fight,” wika nito. “The most important thing is to do in training twice or thrice more than what you do in a fight. If you do a combination of eight punches in training, you’ll probably do only two or three in a fight but you’re ready to go all out.”





Comments