top of page

Pacio vs. Brooks sa ONE, suportado ni Zamboanga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2022
  • 1 min read

ni MC - @Sports | September 6, 2022


ree

Hindi man kasing sikat ng ilang Team Lakay si Denice Zamboanga, suportado niya ang kapwa Pinoy fighter na si Joshua Pacio.


Dedepensahan ni Pacio ang kanyang ONE Strawweight World Championship kontra Jarred Brooks sa ONE 164: Pacio vs. Brooks, ang unang event na idaraos ng ONE Championship sa Manila sa mahigit dalawang taon na nagdaan at idaraos ito sa Mall of Asia Arena sa Dis. 3.


Sinabi ni Zamboanga, ang #3-ranked women’s atomweight contender na si Brooks ang pinakamalupit na challenger ni Pacio sa kanilang upcoming fight na maituturing na isang klasikong bakbakan. “This fight will surely be an amazing one. This will be an intense match for sure and this could be the biggest challenge for our world champion but, still, I’m rooting for him to win!” saad ni Zamboanga.


Si Pacio ang pinakamahusay na strawweight sa ONE Championship history kung saan hawak niya ang ONE Strawweight World Title sa mahigit 1,200 araw sa tatlong iba't ibang pagkakataon. Tinalo na ng 26-anyos ang dating world champion sa kanyang division. Si Brooks naman ang pinakamalaking banta sa kanyang strawweight status quo.

Hawak ni Brooks “The Monkey God” ang 3-0 kartada sa ONE Championship at ang kanyang debut win ay ang second-round submission kay Team Lakay teammate ni Pacio na si Lito Adiwang noong nakaraang ONE: NextGen III noong Nob. 2021.


Paborito naman ang Pilipinas na destinasyon ng ONE Championship. Maraming beses nang nagdaos ang organisasyon ng ilang bakbakan sa bansa pero natigil lamang nang manalasa ang COVID-19 pandemic sa buong mundo. Tulad ng iba pang fight fan, excited na aniya si Zamboanga na muling magbalik ang ONE Championship sa Manila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page