Pabida ng PNP sablay, mababa ang crime rate pero napatay ang steel magnate na si Que
- BULGAR

- Apr 15, 2025
- 1 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 15, 2025

DAPAT PALAYASIN SA ‘PINAS ANG MGA PINOY VLOGGER NA MGA PRO-CHINA -- Sinabihan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na mga traydor ang mga Filipino vloggers na pro-China, na aniya hindi karapat-dapat tawaging Pinoy ang mga ito.
Tama, at sana maghain si Cong. Adiong ng resolusyon na paalisin sa Pilipinas ang mga Pinoy vloggers na pro-China kasi kung tutuusin ay wala na silang karapatang manirahan pa sa bansa, period!
XXX
MAY MGA SMALL-TIME NA POGO FINANCIERS PA RIN SA ‘PINAS? -- Iniulat ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nag-alisan na raw sa Pilipinas ang mga bigtime operator ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Kumbaga, parang sinabi na rin ng PAOCC na may mga nag-o-operate pa na mga small-time POGO financers, kasi ang sinabi nila ay mga bigtime POGO financiers lang ang nawala na sa ‘Pinas, boom!
XXX
GIMIK LANG BA ANG PAMAMARIL KAY ESPINOSA PARA MAKATESTIGO LABAN KAY EX-PDU30 SA ICC? -- Ang paniwala ni Ormoc City Rep. Richard Gomez ay gimik lang ang pamamaril kay suspected drug lord Kerwin Espinosa na kumakandidatong alkalde ng Albuera, Leyte.
May puntong magduda si Cong. Gomez kasi nga after mabaril ay kinabukasan nagpa-presscon si Espinosa at sinabing handa raw siyang tumestigo sa International Criminal Court (ICC) laban kay ex-PDu30, period!
XXX
PABIDA NG PNP, SABLAY -- Isang linggo matapos ibida ng Philippine National Police
(PNP) na mababa na ang crime rate sa ‘Pinas ay sumabog ang balitang kinidnap at pinatay ang steel magnate na si Anson Que.
Ibig sabihin, ang ibinida ng PNP na mababa na crime rate sa ‘Pinas ay sablay pala, boom!







Comments