top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pabertdey… BEA, NAMIGAY NG GROCERIES AT CASH SA MGA FRONTLINERS

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 28, 2021





Naging makahulugan para kay bea alonzo ang kanyang 34th birthday celebration dahil nag-charity work siya sa mga frontliners ng Phil. Gen. Hospital (PGH).


Naghanda siya ng 40 gift box na may lamang groceries, bukod sa cash na P3 thousand each at 10 kilos of rice.


Bukod dito ay nagpadala rin si Bea ng maraming cakes and pastries na pagsasaluhan ng mga naka-duty na frontliners.


Super happy and fulfilled si Bea kapag nakakatulong sa kapwa. Marunong siyang mag-share ng blessings sa mga nangangailangan. Kaya naman, tuluy-tuloy din ang pasok ng suwerte at biyaya sa kanyang buhay.


Ang kanyang HOPE Foundation ay marami nang natulungan sa panahon ng kalamidad. At wala siyang hinihintay na kapalit sa pagkakawanggawa niyang ito.


Kaya naman, mapapa-SANA ALL na lang tayo sa ginagawang charity projects ni Bea. Ilan kaya sa mga sikat na artista ngayon ang may malasakit sa kapwa at kusang magbibigay ng tulong at ayuda?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page