top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

P9.7 million, donasyon ng US sa 'Pinas dahil kay 'Rolly'

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2020
1 min read

ni Lolet Abania | November 6, 2020




Magbibigay ang Amerika ng P9.7 million halaga ng tulong sa 22,500 indibidwal na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly sa dalawang kritikal na lugar sa Bicol Region.


Ayon sa US Embassy, sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID), makapagpapamahagi sila ng pagkain, emergency shelter at cash assistance sa lalawigan ng Albay at Catanduanes, ang dalawang lugar na pinakamatinding tinamaan ng Bagyong Rolly.


“We will continue to support our Philippine partners and friends as they work to address the needs of those communities most affected by Super Typhoon Rolly," sabi ni Embassy Chargé d’Affaires John Law, kasabay ng paghanga nito sa pamahalaan at awtoridad sa pagpapatupad ng preemptive evacuation at sa isinagawang pagliligtas sa mga nanganib na residente ng lugar.


Sa inilabas na report, mahigit 2 milyong katao ang apektado ng Bagyong Rolly, ang pinakamalakas na typhoon na tumama sa bansa ngayong taon, kung saan mahigit 1 milyong indibidwal naman ang kasalukuyang nasa mga government evacuation centers.


Kabilang sa ipinagkaloob na disaster aid ng USAID ay 35 trak na puno ng pagkain at iba pang emergency relief goods para sa mga apektadong pamilya na nagmula sa United Nations World Food Programme (UN-WFP).


Gayundin, ang International Organization for Migration ay magbibigay ng emergency shelter supplies para sa 3,000 households, pagte-training sa staff sa mga dapat gawin sa evacuation centers, at pamamahagi ng 500 family-size modular tents upang maiwasan ang COVID-19 transmission sa lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page