P85 MILYONG BAHAY NI JAMES, 'DI PA RIN NABEBENTA
- BULGAR
- Oct 26, 2021
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 26, 2021

Hindi pa pala naibebenta ang mansion ni James Reid sa Loyola Grand Villas na matatandaang bago pa mag-pandemic ay ibinebenta na niya.
Ipinost ulit ni James sa kanyang Instagram page ang mga larawan ng kanyang bahay at sa caption, he wrote, “My house is for sale!”
Walang nakalagay sa post kung magkano niya ito ibinebenta pero before ay napabalita nang P82-85 million ang halaga nito.
Ang nasabing mansion ay may 7 bedrooms with en suite baths, large open living areas, 2 large kitchens, a recording studio with full soundproofing, 25-M lap pool, CCTV and security system at 6 car garage.
Ito rin ang bahay kung saan sila nagsama ng ex-girlfriend niyang si Nadine Lustre.
Sa comments section nga, komento ng mga netizens ay nasa bahay na ito raw ang mga memories ng JaDine.
Napakaganda ng bahay, sa totoo lang, at nakapagtataka ngang hindi pa rin ito naibebenta.
Well, sa panahon nga naman ngayon ng pandemic, ang hirap talagang maglabas ng ganu’n kalaking halaga.




Comments