top of page
SPECIAL - HEART, HIWALAY NA RAW KAY SEN. CHIZ, TAMEME_FB Heart Evangelista.jpeg

P84M ayuda, naipamigay na sa mga nilindol — DSWD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 14, 2026



Ayuda sa nalindol sa Mindanao - Department of Social Welfare and Development - DSWD

Photo: DSWD



Nasa mahigit 500K katao ang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani noong Hunyo 8, habang umabot na sa higit P84 milyon ang naipamahaging ayuda ng pamahalaan.


Ayon sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center Report No. 9 na inilabas alas-6 ng gabi nitong Biyernes, nasa kabuuang 137,081 pamilya o 553,068 indibidwal mula sa 401 barangay sa Regions IX, XI, XII, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang naapektuhan ng malakas na pagyanig.


Sa datos ng DSWD, nasa 2,131 pamilya o 9,393 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 26 na evacuation center.


Samantala, 13,480 pamilya o 54,274 katao naman ang nakikitira sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa labas ng mga evacuation facility.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page