P785M budget ng OVP para sa 2027, aprub agad sa Kamara

ni Mervin Reyes @News | September 23, 2026

Photo: File / OVP
Inaprubahan ng House of Representatives ang panukalang P785.204 million budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2027 matapos tapusin ang plenary deliberations nang walang interpellation.
Iminungkahi ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio ang pagtatapos ng interpellation, na sinuportahan ni Palawan 3rd District Rep. Gil Acosta. Wala namang tumutol sa mosyon.
Mas mababa ng 11.7% ang panukalang OVP budget kumpara sa P889.236 million appropriated budget nito noong 2026. Ayon sa OVP, gagamitin ito para ipagpatuloy ang paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga benepisyaryo sa buong bansa.
Kinatawan ni Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio ang OVP sa plenaryo.





Comments