top of page
Search

by Mylene Alfonso @News | March 3, 2026



Pamilya Villar - Manny Villar

Photo FIle: Inday Sara Duterte / FB


Inihayag ng House Committee on Justice na sufficient in form ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.


Ayon sa panel, ang dalawang bagong reklamo ay sumusunod sa desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot lamang ng isang impeachment proceeding kada taon laban sa isang opisyal at kinakailangan ding may hindi bababa sa isang endorser mula sa mga miyembro ng Kamara.


Bago ang desisyon na sufficient in form ang dalawang reklamo, nagpasya ang House justice panel na isantabi ang unang impeachment complaint na inihain laban sa Bise ng Makabayan coalition at allied groups noong Pebrero 2 dahil sa paglabag sa one-year bar rule. Sa botong 22-10 at walang abstention, pinaboran ng komite ang mosyon ni Bukidnon Rep. Keith Flores na isantabi ang reklamo.


Una rito, binawi ng Tindig Pilipinas ang kanilang ikalawang impeachment complaint at nagpasya na suportahan ang ikatlong impeachment complaint laban kay VP Duterte.

Ang ikatlong reklamo ay inihain noong Pebrero 9 at ang ikaapat naman ay noong Pebrero 18.


Ang apat na impeachment complaint ay isinama naman sa Order of Business at nai-refer sa Justice committee noong Pebrero 23.


 
 

ni Madel Moratillo @News | February 24, 2025



Sara Duterte

Photo File: OVP



Nai-transmit na sa House Committee on Justice ang apat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte. 


Ito na ang ikalawang pagkakataong susubukan ng Kamara na ma-impeach si VP Sara. 

Matatandaang nitong nakaraang taon, ang pagtatangka ay sa pamamagitan ng boto ng higit 1/3 ng mga miyembro ng mababang kapulungan. 


Ang 2 sa impeachment complaint na inihain laban sa Bise Presidente ay magkahiwalay na inihain ng mga indibidwal mula sa Makabayan Coalition habang ang 2 ay mula sa civil society groups. 


Gayunman, halos magkakapareho rin ang basehan ng mga reklamo. Kabilang rito ang pagbabanta umano ni VP Sara sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. 


Maging ang isyu ng umano'y iregularidad sa paggamit ng confidential funds noong siya ay kalihim pa ng Department of Education at sa tanggapan ng Bise Presidente.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | February 8, 2026



Inday Sara Duterte - FB

Photo: Inday Sara Duterte / OVP / SS



Inilarawan ni Vice President Sara Duterte sa isang papel na walang kalakip na anumang ebidensya ang mga inihahaing panibagong impeachment complaint ng Akbayan laban sa kanya.


Sa kanyang video message, sinabi ni Duterte na hindi na ito bago kung saan ang naunang impeachment na isinampa laban sa kanya ang naging sagot nang kumalas siya sa Gabinete, isang hakbang na isinagawa dahil hindi na aniya maipaliwanag ng Pangulo ang patuloy na pagkalugmok ng bayan sa kahirapan.


“Noong 19th Congress, binuksan pa nila ang isang “investigation in aid of legislation” hindi upang lumikha ng batas, kundi upang magsagawa ng isang malinaw na fishing expedition para sa planadong impeachment laban sa akin,” diin ni Duterte.


“Paulit-ulit nilang ibinabandera ang isyung “Mary Grace Piattos” bilang umano’y bahid ng katiwalian, kahit na sa kabila ng lahat ng imbestigasyon ay wala silang naipakitang kahit isang direktang paglabag sa paggamit ng confidential funds,” punto ni VP Sara.


Sumunod na aniya rito ang bentahan ng mga pirma para sa impeachment at ang mga tinaguriang “for later release projects” na ipinangako umano sa ilang miyembro ng Kamara upang itulak ang impeachment laban sa kanya.


Binigyang-diin ni VP Sara na walang kredibilidad ang Akbayan upang magsumite o mag-endorso ng impeachment complaint.


Kaugnay nito, nagbalik-tanaw siya sa naging pahayag ni Sen. Risa Hontiveros kaugnay sa interes nito sa pagtakbo bilang Presidente.


“Mga kababayan, walang kredibilidad ang Akbayan upang mag-endorso o magsumite ng impeachment complaint. Ilang ulit nang hayagang ipinahayag ng kanilang pinuno ang kanyang intensyong tumakbo sa pagkapangulo—isang malinaw na indikasyon ng pampulitikang motibo sa likod ng kanilang mga hakbang,” punto ng Bise Presidente.

“Huwag nating kalimutan ang makasaysayang talumpati noong Agosto 2024 ni Risa Hontiveros, kung saan malinaw niyang inilahad ang tunay na motibo ng Akbayan bilang isang grupo:


[“Habang ang anak niya ay may kapangyarihan pa, hindi magiging madali ang ating laban. While VP Sara is in power, the threat of a full-blown Duterte comeback is still a very real and present danger. For one, they are supported by one major superpower, China.”]1


Kaya malinaw aniya na lahat ng ito ay isang uri ng harassment at pang-aabuso sa proseso ng impeachment ng grupong Akbayan.


Sa huli, sinabi niyang walang malinaw na dahilan ang ipinaglalaban ng grupo at naging paulit-ulit na hakbang na lamang na may motibong pampulitika laban sa kanya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page