P700K gagastusin sa bagong opisina ni Sotto

by BRT @News | October 7, 2026

Photo: Tito Sotto - Senate PH
Aabot sa P700,000 ang maaaring gastusin ng Senado para sa pagsasaayos ng bagong opisina ni Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, bahagi ito ng Senate policy na nagbibigay ng hanggang P700,000 para sa office renovation ng mga senador.
Sinabi ni Gatchalian na halos walang naiwan sa opisina matapos itong baklasin ng dating occupant na si Sen. Jinggoy Estrada.
Gayunman, sinabi ni Gatchalian na personal na pera ni Estrada ang ginamit sa dating renovation ng opisina at walang public funds na sangkot dito.
Aniya, hindi naman karaniwang iniiwang bakante o binabaklas ang mga gamit sa opisina. Sa kanyang karanasan, naiwan nang buo nina dating senador Koko Pimentel at Panfilo Lacson ang kanilang mga dating opisina para sa mga susunod na gagamit nito.
Dahil dito, sinabi ni Gatchalian na kailangang maglaan muli ng pondo ang Senado para maihanda ang opisina ni Sotto.
Sinabi rin niyang mas mainam sana kung naabisuhan muna si Sotto bago isinagawa ang pagbabaklas upang agad sana siyang makalipat at makapagsimula sa trabaho.





Comments