P7.50 rollback sa diesel, P1 gasoline

by Jeff Tumbado @News | September 26, 2026

Posibleng bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo, dahil sa inaasahang pagtaas ng suplay at posibleng pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, maaaring bumaba ng P7 hanggang P7.50 kada litro ang diesel, habang P0.50 hanggang P1 kada litro ang gasolina.
Ang aktuwal na galaw ng presyo sa susunod na linggo ay depende pa rin sa magiging resulta ng trading sa mga susunod na araw.





Comments