top of page
SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino.jpeg

Sec., umaming no choice na lang... Dizon sa DPWH, sobra na! — Imee

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 26, 2026



FB Imee Marcos at Vince Dizon - DPWH

Photo: FB Imee Marcos at Vince Dizon - DPWH



Kinuwestiyon ni Senadora Imee Marcos ang legal na batayan ng patuloy na panunungkulan ni DPWH Acting Secretary Vince Dizon, na aniya’y lumampas na sa isang taong limitasyon para sa acting appointments.


Sa pagdinig sa panukalang 2027 budget ng DPWH nitong Setyembre 25, sinabi ni Marcos na itinalaga si Dizon noong Setyembre 1, 2025 at binanggit ang Section 17, Book III ng Administrative Code of 1987, na nagtatakda umano ng isang taong limitasyon sa temporary appointments.


Sinabi ni Dizon na batay sa paliwanag sa kanya, maaari siyang manatili hanggang mag-adjourn ang Kongreso at muling italaga pagkatapos ng recess. Gayunman, aminado siyang kailangan pa itong linawin sa Office of the President.


“Ma'am, this is music to my ears, medyo ayaw ko na rin pong nandito ako eh. So, kung totoo pong wala na ako (dapat) dito, okay na po ito, masaya pa po ako,” biro ni Dizon.


Nilinaw ni Marcos na hindi niya kinukuwestiyon ang appointment ni Dizon kundi ang eksaktong legal na katayuan ng kanyang patuloy na panunungkulan bilang acting DPWH secretary.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page