top of page
SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino.jpeg

Nahatulan ng bitay dahil sa droga... Absolute pardon kay Mary Jane, aprub — BBM

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 26, 2026



Mary Jane Veloso - Circulated.

Photo: Mary Jane Veloso - Circulated



Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nilagdaan na nito ang pagkakaloob ng absolute pardon para kay Mary Jane Veloso na nahatulan ng kamatayan sa kasong drug trafficking sa Indonesia.


“Pinirmahan ko na 'yung pardon niya kahapon,” wika ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Guiuan, Eastern Samar kahapon.


Mahigit isang dekada nang nakulong sa Indonesia si Veloso matapos mahatulan sa kasong drug trafficking.


Noong Nobyembre 2024, nakipagkasundo ang Pilipinas at Indonesia para sa pag-uwi ni Veloso.


Ibinaba rin noon ng Indonesia and sentensya ni Veloso mula death penalty sa life imprisonment.


Sa 42nd ASEAN Summit sa Indonesia noong Mayo 2023, sinabi ng Pangulo na patuloy na nakikiusap ang pamahalaang Pilipinas sa Indonesia para sa pardon ni Veloso, commutation ng kanyang sentensiya at tuluyang paglipat sa Pilipinas upang dito niya pagsilbihan ang kanyang sentensiya.


Noong Disyembre 18, 2024, pormal na inilipat si Veloso sa kustodiya ng Bureau of Corrections.


Sinabi ni Marcos na kabilang sa mga unang layunin ng kanyang administrasyon ang pag-alis kay Veloso sa death row at ang pagpapababa ng kanyang sentensya.


Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos si Indonesian President Prabowo Subianto at ang pamahalaan ng Indonesia sa kanilang pakikipagtulungan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page