top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P66 M investment, hinahabol… LUIS, IDINEMANDA ANG KAIBIGAN NA DATING KASOSYO SA NEGOSYO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 13, 2023



A day before lumabas ang balita ng pagkakaabsuwelto ni Luis Manzano sa kasong syndicated estafa na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanyang mga kasosyo sa Flex Fuel ay binati na namin ang TV host via DM (direct message) sa kanyang Instagram account.


Later we found out na nabasa pala ni Luis ang aming mensahe sa kanya, bagama't wala naman kaming natanggap na reply from him.


Okey din na malaman na nababasa pala talaga 'yung mga mensahe sa IG ng mga artistang pina-follow namin.


Pero ayon sa aming source, nagulat pala si Luis na nalaman namin ang pagkakaabsuwelto niya sa kasong estafa.


Wala naman daw kasing ibang dapat nakakaalam nito kundi 'yung mga involved sa case. At mas lalong nagulat daw si Luis na lumabas sa public.


Naku, sa panahong ito, nakakapagtaka pa ba ang pag-leak ng mga news? At agad-agad, huh!


Ganyan kabilis ang social media ngayon. Kaya huwag nang magulat at magtaka kapag may sumasabog agad na balita lalo pa’t mga kilalang personalities ang sangkot.


Pero ayun nga, no comment pa si Luis. At tila wala rin siyang plano na maglabas ng official statement.


Ipinagkatiwala na lamang ni Luis sa kanyang mga abogado ang paglabas ng official statement ng kampo nila.


Masaya na raw si Luis na napatunayan niyang wala siyang kinalaman sa syndicated estafa na ibinibintang sa dati niyang kinabibilangang kumpanya.


At napatunayan din niya na HINDI SIYA MANLOLOKO at wala siyang niloko na tao gaya ng akusasyon sa kanya.


Dahil d’yan, buung-buo pa rin ang kredibilidad ni Luis as a businessman.


For sure, feeling-nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan si Luis after niyang maabsuwelto.


Nakalabas na siya sa tila maanomalyang kumpanya, tapos na rin ang relasyon niya sa dating kaibigan.


Ang tanong na lang ay kung may chance kaya na mabawi ni Luis ang sinasabing P66 M na ipinasok niya sa kumpanya bilang investment?


Although, nag-file ng kontra-demanda si Luis at kanyang mga abogado sa dati niyang kaibigan na siya ring top executive ng kumpanya.


Waiting pa lang ang kampo ni Luis sa gagawing pagdinig sa kaso.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page