top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

P50/kilo price cap sa imported rice — PBBM

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | April 1, 2026



Premium rice - Bongbong Marcos

Photo: Bongbong Marcos / FB



Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maglalabas siya ng isang executive order upang magpatupad ng P50 na price cap sa bawat kilo ng inaangkat na well-milled rice.


“Ilalabas natin ang Executive Order para maipatupad na ito sa lalong madaling panahon,” wika ni Marcos sa kanyang talumpati kasunod ng pulong Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Committee kahapon.


“Pinalalawak din ang P20 rice program. May 627 na center sa buong bansa. Ito’y naging mas malawak dahil dati ang aming pino-provide sa P20 rice ay 600 tons, at ngayon umakyat na sa 2,000 tons dahil tumaas ang demand,” ayon pa kay Marcos.


Ang nasabing hakbang ay matapos ang naging rekomendasyon ng National Price Coordinating Council, isang government body na responsable para sa coordinating, monitoring, at stabilizing ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Sa kasalukuyan aniya ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan at mahahalagang bilihin ay nananatili sa suggested retail price (SRP), kabilang na ang bigas.

Binanggit din ni Marcos na nagsisikap din ang pamahalaan na kontrolin ang presyo ng 205 na mga bilihin sa gitna ng kasalukuyang energy emergency.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page