top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En
Search

by Jeff Tumbado @News | September 26, 2026



Dahil sa El Niño... Presyo ng bigas, tataas

Photo: File / DA



Posibleng tumaas ang presyo ng palay at bigas sa bansa dahil sa inaasahang matinding epekto ng strong El Niño, ayon sa National Food Authority (NFA).


Sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na batay sa pagtataya ng Department of Agriculture (DA), maaaring bumaba ng hanggang 30 porsyento ang produksyon ng palay ngayong wet season dahil sa tagtuyot na posibleng magpatuloy hanggang sa unang bahagi ng 2027.


Ayon kay Lacson, kapag bumaba ang lokal na produksyon, posibleng magkaroon ng matinding kompetisyon sa limitadong suplay ng palay sa pagitan ng mga rice miller at iba pang mamimili. Maaari itong magresulta sa pagtaas ng presyo ng palay at, kalaunan, ng bigas sa merkado.


Dagdag pa niya, may limitasyon din ang kakayahan ng NFA na makipagkumpitensya sa mga pribadong negosyante dahil nasa P30 kada kilo ang maximum buying price na pinapayagan sa ahensiya para sa clean and dry na palay.


Samantala, sinabi ng DA na nakahanda itong magbigay ng fuel subsidy, binhi, fertilizer at iba pang suporta sa mga magsasaka upang mabawasan ang epekto ng tagtuyot sa produksyon.


Patuloy din ang pag-aangkat ng bigas ng pamahalaan upang magkaroon ng karagdagang buffer stock at makatulong na mapanatili ang sapat na suplay sa bansa sakaling bumaba ang lokal na produksyon.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | April 1, 2026



Premium rice - Bongbong Marcos

Photo: Bongbong Marcos / FB



Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maglalabas siya ng isang executive order upang magpatupad ng P50 na price cap sa bawat kilo ng inaangkat na well-milled rice.


“Ilalabas natin ang Executive Order para maipatupad na ito sa lalong madaling panahon,” wika ni Marcos sa kanyang talumpati kasunod ng pulong Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Committee kahapon.


“Pinalalawak din ang P20 rice program. May 627 na center sa buong bansa. Ito’y naging mas malawak dahil dati ang aming pino-provide sa P20 rice ay 600 tons, at ngayon umakyat na sa 2,000 tons dahil tumaas ang demand,” ayon pa kay Marcos.


Ang nasabing hakbang ay matapos ang naging rekomendasyon ng National Price Coordinating Council, isang government body na responsable para sa coordinating, monitoring, at stabilizing ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Sa kasalukuyan aniya ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan at mahahalagang bilihin ay nananatili sa suggested retail price (SRP), kabilang na ang bigas.

Binanggit din ni Marcos na nagsisikap din ang pamahalaan na kontrolin ang presyo ng 205 na mga bilihin sa gitna ng kasalukuyang energy emergency.

 
 

by BRT @Business News | March 17, 2026



Rice stocks

Photo: FP



Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad na magpataw ng P50 kada kilo na price ceiling sa imported rice.


Ito’y kasunod ng pagtaas ng presyo ng shipping at farm inputs dahil sa tensyon sa Middle East.


Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr., layunin ng cap na mapanatili ang abot-kayang presyo nang hindi naapektuhan ang farmgate prices para sa palay.


Sinabi rin ng ahensya na tinitingnan nila ang legalidad ng price ceiling, at kung maaari, irerekomenda ito kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno sa pagharap sa oil price hike.


Samantala, sinabi ni Tiu Laurel na hindi pa posible sa ngayon ang parehong price ceiling sa lokal na bigas, upang hindi maapektuhan ang ani at kita ng mga magsasaka.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page