top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P50-K multa at 5 yrs. pagkakakulong sa insurance company na tatanggi sa pasyenteng may HIV

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 14, 2021



Dear Chief Acosta,


Ako ay HIV-positive na pasyente. Nag-apply ako ng personal life insurance sa insurance company pero ako ay tinanggihan dahil sa aking kalagayan. Gusto kong malaman kung tama bang mangyari ito? – Tyrone


Dear Tyrone,


Ang batas na sumasaklaw tungkol sa inyong katanungan ay ang Republic Act No. 11166 o kinikilala bilang “Philippine Aids Prevention and Control Act of 1998.” Nakasaad sa Section 42 ng batas na ito:


“Section 42. Health Insurance and Similar Health Services. - The PhilHealth shall xxx

The PhilHealth shall enforce confidentiality in the provision of these packages to PLHIV. No PLHIV shall be denied or deprived of private health insurance under a Health Maintenance Organization (HMO) and private life insurance coverage under a life insurance company on the basis of the person's HIV status. Furthermore, no person shall be denied of his insurance claims if he dies of HIV or AIDS under a valid and subsisting life insurance policy.”


(Binigyang-diin)


Alinsunod sa nabanggit na probisyon ng batas, walang tao na nasuri at nahawaan ng HIV ang maaaring tanggihan o pagkaitan ng private life insurance coverage ng life insurance company sa kadahilanan ng nasabing kalagayan. Kaugnay nito, nakasaad sa Section 50 ng kaparehong batas na ang paglabag sa nabanggit na probisyon ay may karampatang kasong kriminal at administratibo, na maaaring magresulta sa pagbabayad ng multa na hindi bababa sa Php 50,000 at/o pagkakakulong magmula anim na buwan hanggang limang taon.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page