P49-M para sa LGUS at CHED - PCSO
- BULGAR
- Oct 30, 2021
- 2 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | October 30, 2021

Hello, Bulgarians! Sa isang simpleng turn over ceremony, ibinigay ni PCSO General Manager Royina Marzan Garma ang P49 milyong halaga ng tseke sa Local Government Units (LGUs) bilang STL shares at Commission on Higher Education (CHED) bilang mandatory contribution.
Ilang LGUs mula sa National Capital Region (NCR) ang tumanggap ng Php32 milyon bilang Small Town Lottery (STL) shares habang ang CHED ay tumanggap ng Php17 milyon bilang Mandatory Contribution. Ang turn over ceremony ay ginanap sa likod ng PCSO Conservatory Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City noong Huwebes, Oktubre 28.
Ang mga tatanggap ng Php32,089,135.42 ay ang Taguig City na may Php7,556.34, Pateros City Php32,280.46, Makati City Php 25,647.27, San Juan City Php98,695.12,
Mandaluyong City Php 63,566.83, City of Manila Php9,287,534.54, Parañaque City Php214,884.70, Muntinlupa City Php232,289.36, Marikina City Php384,369.48, Quezon City Php15,069,633.41, Las Piñas City 2,731,702.76, Pasay City Php3,290,194.87 at Pasig City Php637,780.28.
Bukod sa pamamahagi ng LGU STL shares, naglalabas din ang PCSO ng halagang Php17,005,497.30 sa Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng Bureau of Treasury. Ito ay bilang pagsunod sa mandatory contribution nito alinsunod sa RA#7722 na nagbibigay ng 1% ng kabuuang benta ng lotto sa Commission on Higher Education (CHED).
Ang mga lokal na pamahalaan ay tumatanggap ng porsiyento mula sa kabuuang kita sa mga operasyon ng PCSO sa kanilang mga lugar. Ang mga bahaging ito ay maaaring gamitin ng LGU para sa kani-kanilang proyekto.
Ang pagtutulungan sa pagitan ng PCSO at LGUs ay may mahalagang papel sa pagbuo ng pondo, na buong bansa ang makikinabang. Ang PCSO ay nagbibigay ng pondo para sa mga proyekto at mga gawaing pangkawanggawa sa buong bansa habang ang LGU ay maaring gamitin ang pondo ng PCSO para sa mga proyektong kapaki-pakinabang sa kani-kanilang munisipalidad, bayan at lungsod. Dalawang magkahiwalay na ahensya ang nagtatrabaho nang magkatulad patungo sa pagbuo ng bansa.
Hinikayat ni GM Garma ang iba pang LGU na muling isaalang-alang ang pakikipag-partner sa PCSO dahil hindi lamang ito nagbibigay ng karagdagang trabaho sa lugar, ngunit nakakatulong din na mapalakas ang ekonomiya. Maaari din silang mag-avail ng STL at lottery shares bilang karagdagang kita sa kani-kanilang area of responsibility.
“PCSO is not gambling, it does not take skill to win in our games, it is truly a game of chance!
That alone differentiates us from other gaming institutions; Larong may Puso po kami kasi portion po ng aming kinikita ay bumabalik sa pagtulong sa mga kababayan natin nangangailangan ng medikal na atensyon at bukod d’yan marami din po kami natutulungan na mga institusyon, hospital, biktima ng kalamidad at mga lokal na pamahalaan.
Magtulungan po tayo para sa ating mga kababayan,” pagtatapos ni PCSO GM Garma.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments