P455M shabu nasabat, 4 arestado

ni Mai Ancheta @News | November 13, 2026

Photo: Ang 67 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P455. 6 milyon na nasabat sa Zamboanga City. (Mai Ancheta)
Nasamsam ng mga otoridad ang 67 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P455.6 milyon at naaresto ang apat na katao sa inilunsad na anti-illegal drug operations sa Brgy. Mercedez, Zamboanga City nitong Miyerkules ng gabi.
Inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Oplan Shadow Ice sa tulong ng iba pang law enforcement agency.
Inaalam na ng PDEA kung saan nagmula ang ilegal na droga at kung saan patungo ang shipment na nasabat sa Zamboanga City.





Comments