top of page
WINNER - VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN-FB Circulat

P400 K a day sa taping ng serye… MARIAN, P10 M PER MOVIE, P30 M SA ENDORSEMENTS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 30, 2024



Bagama’t hindi nakasama si Marian Rivera sa Top 12 Richest Filipino Celebrities, milyones pa rin ang kanyang kinikita. 


Ang kanyang talent fee per movie ay P10 M. Ang presyo niya per endorsement ay P30 M. At kapag may serye siya ay P400 thousand a day ang kanyang talent fee.


In demand pa rin ngayon si Marian sa pelikula at telebisyon. At ngayong kumita nang mahigit P800 M ang MMFF 2023 movie nila ni Dingdong Dantes titled Rewind, tiyak na mas tataas pa ang kanyang TF sa mga pelikulang kanyang gagawin.


May sariling negosyo rin si Marian bukod sa negosyo ng kanyang mister na si Dingdong Dantes, kaya can afford siyang bumili ng mga jewelries at branded bags, shoes at damit.


Marunong siyang humawak ng pera kaya financially stable siya. At sa lahat ng blessings na dumarating ay nagse-share naman si Marian Rivera sa mga charities na kanyang sinusuportahan.

 



Misis ni Chiz, kahit todo-displey ng mga luxury items…

KATHRYN, MAS MAYAMAN KAY HEART




Sa latest report sa “List of Richest Filipino Celebrities”, nasa Top 12 ang ilang sikat na artista. 

 

Nanguna sa listahan si Sen. Manny Pacquiao na may P11 billion net worth. Kasunod si Willie Revillame na may P4 billion naman. 

 

Kasama rin sa Top 12 sina Gretchen Barretto (P2.6 billion), Sharon Cuneta (P2.5 billion), Bea Alonzo (P1.4 billion), Piolo Pascual (P1.1 billion), Dingdong Dantes (P1 billion) at Aga Muhlach (P990 M). 

 

Nasa 9th place si Anne Curtis (P880M), na sinundan nina Kathryn Bernardo (P850 M), Gloria Romero (P840 M) at Heart Evangelista (P700 M).

 

Well, mas mayaman pala si Gretchen kay Sharon? And to think, noong panahon ng COVID pandemic ay milyun-milyon ang nagastos ni La Greta sa mga ayudang ipinamigay niya sa mga manggagawa sa movie industry.

 

Pati mga artista at direktor sa telebisyon ay nakatanggap din ng “Love Box” ni Gretchen. Kaya naman hinding-hindi malilimutan ng marami si La Greta. Malaking tulong sa lahat ang kanyang ipinadalang ayuda.

 

Samantala, ang akala naman ng iba ay mas malaki ang net worth ni Heart dahil sa kanyang sosyal at bonggacious na lifestyle. Rumarampa siya sa Paris at New York Fashion Week na suot ang mga designer’s clothes, bags & shoes. At bongga rin ang kanyang mga endorsements.

 

Pero, mas mayaman pala kay Heart sina Anne at Kathryn. Mas marami kasing endorsements ang dalawa at patuloy na gumagawa ng pelikula. At ang kanilang mga investments ay real estate at may sariling mga negosyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page