P2M pabuya vs. pumatay sa Basilan Judge

ni Mervin Reyes @News | November 14, 2026

Photo: Basilan Judge Joseph Wee Sit - Circulated
Nag-alok si Zamboanga City Mayor Khymer Olaso ng P2 milyong pabuya mula sa sariling pondo para sa impormasyong hahantong sa pagkakaaresto sa mga pumatay kay Basilan Judge Joseph Wee Sit.
Mariing kinondena ng alkalde ang krimen at nanawagan sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad.
Narekober na rin ng pulisya sa Barangay Maasin ang motorsiklong umano’y ginamit ng mga suspek, habang bumuo ang PNP ng Special Investigation Task Group (SITG) upang pangunahan ang imbestigasyon.
Matatandaang pinagbabaril ang hukom ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo habang nagmamaneho sa Tumaga-Putik Road, Zamboanga City, madaling-araw ng Huwebes.





Comments