Presyo ng petrolyo, muling bababa next week

by Jeff Tumbado @News | November 14, 2026

Photo: File
Asahan ang panibagong pagbaba sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo, kung saan posibleng umabot sa P5 kada litro ang rollback sa diesel.
Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, tinatayang bababa ng P4 hanggang P5 kada litro ang diesel, habang P3 hanggang P4 naman sa gasolina.
Nakabatay ang pagtataya sa galaw ng pandaigdigang presyo ng langis at foreign exchange. Gayunman, maaari pang magbago ang aktuwal na rollback dahil hindi pa kasama sa kalkulasyon ang gastos sa freight at insurance.





Comments