Mas mababa sa market value… P26M HOUSE NI PILITA, BISAYANG FAN ANG NAKABILI
- BULGAR

- 15 minutes ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 25, 2026

Photo: Pilita Corrales - IG
Avid fan ng yumaong Asia’s Queen of Songs Ms. Pilita Corrales ang nakabili ng iniwan niyang bahay sa BF Homes, Parañaque City sa halagang P26 milyon ilang buwan na ang nakararaan.
Base sa panayam ng kasamahan namin sa trabaho na si Annalyn Jusay sa anak ng yumao na si Jackie Lou Blanco, lubos siyang natutuwa dahil tagahanga ni Ms. Pilita ang nakabili nito.
“You know what, she’s also a Bisaya. She’s such a big, big fan of my mom,” sey ni Jackie Lou nang makausap siya sa launch ng bagong librong Quiapo Ilalim: Pagsusulat ng Iba’t Ibang Daan ni National Artist Ricky Lee kamakailan.
Matatandaang nasa listahan ng nasabing subdibisyon ang bahay para ibenta noong Enero ng taong ito at inilarawang may presyong mas mababa sa market value.
Ang nasabing bahay ay may floor area na 453.57 square meters, may dalawang palapag at binubuo ng apat na maluluwag na silid-tulugan, apat na banyo, home office at garahe na kasya ang apat na sasakyan. Mayroon din itong mga silid para sa drayber at mga kasambahay, pati na rin solar water heater.
Para kay Jackie Lou, praktikal na desisyon na ibenta ang nasabing property ng kanyang ina dahil may kani-kanya na silang tirahan ng half-brother niyang si Ramon Christopher.
“Wala na rin naman kasing titira sa bahay ng mom ko kasi all of us have our own. ‘Yung adopted brother ko lang na si VJ ang nag-stay du’n and the house is too big just for one person,” katwiran pa ng aktres.
Dagdag pa, “Okay na rin and I’m happy na napunta ang house ng mom ko sa kapwa-Visayan. She’s such a big fan of mom. At least it will be well taken care of.”
May iba pang mga taong interesado ring bilhin ang bahay, pero pakiramdam ni Jackie Lou na para sa kababayan ng kanyang ina ang nasabing bahay.
“I think it’s really meant for her,” sambit ng aktres.
Sa kasalukuyan ay hindi pa raw naglilipat ang nakabili ng nasabing bahay dahil planong ipa-renovate pa ito.
Matatandaang pumanaw si Ms. Pilita noong nakaraang taon, Abril 12, 2025, sa edad na 87.
Kung dati, gustong perfect lahat…
LOVI, ‘DI NA DE-NUMERO ANG KILOS NANG MAGING NANAY
MULA nang maging ina ay marami nang pagbabago sa pananaw ng aktres na si Lovi Poe. Ito ang kuwento niya sa YouTube (YT) channel ni Karen Davila kamakailan.
“A lot has changed. I think I don’t chase perfection anymore. I let things go,” say ng aktres-producer.
Dati raw ay tila de-numero ang bawat kilos niya sa kanyang daily routine, pero ngayong nanay na siya ay malaki na ang pagkakaiba.
“I am more flexible now. Kasi I am such a routine person, everything is on the dot from the sip of my coffee, time of working out, time of leaving to set. That’s how I operate.
“And now, ‘yung lahat ng routine ko na ‘yun, gone. Parang everything is completely messy but I love it. I don’t plan things anymore. I just take things as it comes, as it goes,” kuwento ni Lovi.
Halos dalawang taong nag-lie-low sa showbiz si Lovi dahil nanganak siya at kailangan niyang personal itong asikasuhin dahil wala silang nanny sa bahay ng asawang si Monty Blencowe, British producer.
Sabi pa, “I woke up every three hours. Basically I’m up kasi ‘di ba, the schedule of having a newborn you wake up, and feed, burp, and then change diaper and then back again. It’s that rotation and everything. Major hands-on.
“It was my choice talaga. I wanted to experience every single one of it because I see a lot of things. You want to go through it no matter how tired you are, it’s because they are gonna grow up so fast.
“I really savored the tough moments, and the best moments, and working at the same time. It still is the most exhausting but the most rewarding thing ever.”
Minsan daw ay dumadalaw ang kanyang mommy para tulungan siyang alagaan ang anak at may kaibigan ding nagpupunta sa bahay nila sa Los Angeles, USA.
Sa kasalukuyan ay nasa Pilipinas si Lovi kasama ang anak dahil back to work na siya, na hindi pa niya binanggit kung anong series ito.





Comments