P20-k multa at 5 yrs. kulong sa magtutunaw ng barya
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 24, 2021
Dear Chief Acosta,
May mga kaibigan akong nangongolekta ng baryang tig-pipiso na inilabas noong 2004.
|Anila, mayroon itong silver kaya nais nila itong tunawin at gawing alahas. Maaari ba silang makulong dahil dito? – Uriel
Dear Uriel,
Para sa inyong kaalaman, ang sagot sa inyong katanungan ay tinatalakay sa Presidential Decree (PD) No. 247, o “Prohibiting and Penalizing Defacement, Mutilation, Tearing, Burning or Destruction of Central Bank Notes and Coins” at Article 164 ng Revised Penal Code.
Nakasaad sa PD No. 247 na:
“1. That it shall be unlawful for any person to willfully deface, mutilate, tear, burn or destroy, in any manner whatsoever, currency notes and coins issued by the Central Bank of the Philippines; and
2. That any person who shall violate this Decree shall, upon conviction, be punished by a fine of not more than twenty thousand pesos and/or by imprisonment of not more than five years.
xxx”
Samakatwid, ang pagtunaw ng coins o mga barya ay ipinagbabawal sa PD No. 247. Ang lumabag sa mga batas na ito ay maaaring maparusahan ng pagmumulta na hindi lalampas ng P20, 000 at/o pagkakulong ng hindi lalampas ng limang taon.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments