top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P1M multa at 3 yrs kulong sa ‘di lisensyadong interior designer

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 19, 2023


Dear Chief Acosta,


Nalaman ko na ang isang interior designer na nilapitan namin ay hindi lisensyado sapagkat inamin din niya sa amin ito. Siya ay nagbigay serbisyo sa amin bilang interior designer dahil kailangan diumano niya ng pagkakakitaan. May paglabag ba siyang nagawa sa batas? Salamat sa inyong pagsagot. - Edwin


Dear Edwin,


Ang iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 34 ng Republic (R.A.) No. 10350 na mas kilala sa tawag na “Philippine Interior Design Act of 2012”. Ayon dito:


“Section 34. Penal Clause. – The following acts shall be punished by a fine of not less than Three hundred thousand pesos (Php300,000.00) but not more than One million pesos (Php1,000,000.00) or imprisonment of not less than 6 months but not more than 3 years, or both fine and imprisonment, at the discretion of the court.


a. Local Practitioner. –

  1. Practicing interior design, rendering work and consultations or rendering equivalent services as interior designer as defined in this Act or using the title "Interior Designer", "Interior Design Consultant", "Interior Design Stylist", or "Interior Design" or the official appendage title "IDr." in any signage, calling card, advertisement or any other mode of publicity without a valid certificate of registration and/or a valid professional identification card or a valid temporary/special permit.


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, isang akto na pinarurusahan ang pagbigay serbisyo, pagtrabaho, pagbigay konsultasyon, pag-practice bilang isang interior designer, at pati na rin ang paggamit ng mga titulo na interior design stylist, o interior design o paglagay ng titulo na "IDr.”


sa mga signages, calling cards, advertisements o kahit anong uri ng pagsasapubliko, kung ang isang tao ay walang sertipiko ng pagkakarehistro o lisensya bilang isang interior designer.


Sa iyong nabanggit na sitwasyon, isang paglabag sa batas ang aktong ginawa ng nasabing tao kung saan siya ay nagbigay serbisyo bilang isang interior designer sa kabila na siya ay walang lisensya upang gawin ito. Nais ko ring ipaalam sa iyo na kung ang isang tao na mapatutunayan na nagkasala, siya ay maaaring mapatawan ng parusa ng pagbabayad ng hindi bababa sa P300,000.00 at hindi tataas sa P1,000,000.00 o pagkakakulong o parehong pagbabayad ng multa at kulong, base sa nasabing probisyon ng R.A. No. 10350.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page