P19.66 trilyon utang ng ‘Pinas... Kung may sobra kang pera, ambag ka — Robin

ni Mylene Alfonso @News | November 29, 2026

Photo: Robin Padilla FB / Senate
Suportado ni Senador Robin Padilla ang mungkahi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na mag-ambag ng mahigit P170,000 ang mga may kakayahang Pilipino upang makatulong sa pagbabayad ng utang ng bansa.
Ayon kay Padilla nitong Sabado, kahalintulad ito ng ginawa ng mga mamamayan sa South Korea na kusang nag-ambag ng pera at ginto upang makatulong sa pagbangon ng kanilang ekonomiya.
“Siguro ‘yung [P170,000] kung may sobra kang pera, ‘di tumulong ka,” ani Padilla.
Nilinaw ng senador na boluntaryo lamang ang pagbibigay at walang sinumang pinipilit na mag-ambag.
Inamin din ni Padilla na wala siyang P170,000 sa ngayon, ngunit handa umano siyang magbigay kapag mayroon na siya nito.





Comments