top of page
SPECIAL - JILLIAN, GUSTONG HANGGANG PAGTANDA, FRIENDS SILA NI EMAN_IG _emanbacosapaquiao &

Banta ng BPO workers: Sabayang tigil-trabaho dahil sa AI

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
1 min read

by BRT @News | November 29, 2026



Banta ng BPO workers: Sabayang tigil-trabaho dahil sa AI

Photo: File



Nagbanta ang BPO Employees Solidarity (BES) na magsagawa ng sama-samang tigil-trabaho kung hindi tutugunan ng gobyerno ang kanilang panawagan para sa proteksyon ng mga manggagawang apektado ng artificial intelligence (AI), automation at restructuring.


Sa unang general assembly ng grupo nitong Nobyembre 28, inihayag na mahigit 1,000 regular na BPO employees na umano ang naapektuhan ng pagsasara ng mga account at restructuring.


Iginiit ng grupo ang proteksyon sa kita, patas na paglilipat ng trabaho, karagdagang pagsasanay at tulong sa paghahanap ng bagong trabaho.


Plano rin nilang magsagawa ng “National Day to Disconnect” o sabayang tigil-trabaho ng mga BPO worker.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page