Nabiktima ng human trafficking sa Russia... 30 Pinoy, isasabak na sa giyera, nagpasaklolo kay PBBM

ni Mylene Alfonso @News | November 29, 2026

Photo: Raffy Tulfo in Action / Bicol News
Humingi ng tulong kay Pangulong Bongbong Marcos ang 30 Pilipino na umano’y biktima ng human trafficking sa Russia matapos maakit sa alok na trabaho bilang cleaner at construction worker ngunit sinanay umano bilang mga sundalong isasabak sa digmaan.
Kaugnay nito, agad namang nakipagpulong si Sen. Raffy Tulfo sa mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Biyernes, Nobyembre 27, upang matalakay ang pagsagip sa mga Pilipino.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) upang matukoy ang lokasyon at kalagayan ng mga biktima.
Samantala, nagbabala si Tulfo sa mga Pilipino na magdoble-ingat at tiyaking lehitimo ang mga alok na trabaho patungong Russia at Ukraine.





Comments